20

121 12 0
                                    


Naomi's Point of View.

"Bakit kaya wala pa sila.." Tanong ko kay leigh.

"Baka late." Sagot nya.

Ang tinutukoy ko kase ay yung tatlo kong ex. Malapit nang dumating si prof. pero wala pa sila, pati si matthew hindi naman nila ugaling malate.

"Good Morning Class." Bungad ni prof. nang makapasok sya.

"Good Morning Sir." Bati namin lahat.

"Before we stary I just want to let you know that Mr. Goldstein is excuse to all activities because his mother passed away yesterday."

Sabay naman kaming nagkatinginan ni leigh sa biglang sinabi ni sir.

Kinabahan ako bigla.

"Tama ba yung narinig ko leigh?" Hindi makapaniwalang tanong ko kay leigh.

"Y-Yes.." sagot nya na halatang hindi rin makapaniwala.

Parang bigla akong naghina..

Kaya pala wala pa sila ngayon dahil nandun sila kay tita..

Kilala ko ang mommy ni blair isang beses lang kaming nagmeet pero napakabait nya. Sobrang bait. Lagi nyang inaalala si blair at binibilinan.

Sigurado ako ngayon na hindi to matanggap ni blair mahal na mahal nya yung mama nya eh.

_________

FASTFORWARD

Third's Point of View.

-Chapel

"Bro uminom ka muna ng kape oh." Abot ko kay blair dahil mula kahapon ay hindi pa sya kumakain. "Bro?" Ulit ko dahil nakatitig lang sya sa kabaong ni tita at parang hindi ako naririnig.

"Ayoko wala akong gana." Sagot nya.

"Blair kagabi kapa hindi kumakain magkasakit ka nyan." Turan ni matthew mula sa tabi ko.

"Oo nga goldstein baka ikaw naman ang--"

"Ayoko nga! Sabi ko nga na ayoko diba?!" Irita nyang sambit. Tsk.

Sinenyasan ako ni matthew ng 'hayaan muna natin sya' kaya itinabi ko nalang ulit ang kape na para sa kanya.

Hindi kami ngayon pumasok ni matthew, dahil walang karamay si blair at kailangan na kailangan nya kami ngayon.

Awang-awa ako sa kaibigan ko. Kitang-kita ko sa kanya ang hirap na dinadanas nya. Sobrang mahal nya ang mama nya kaya napakasakit sa kanya yun. Mabait si tita itinuring narin namin syang ina ni matthew kaya masakit rin samin ang pagkawala nya.

"Third! Matthew!" Napalingon kami sa gawi ng tumawag samin. Noah..

"Oh? Buti nakarating kayo?" Si matthew.

"Yes--"

"Omg! Wala na talaga yung mother ni blair? Huhuhu" Si jia.

"God." Si Leigh.

Napabaling naman ako kay nami na ngayon ay nakatingin kay blair.

_________

Blair's POV.

"Bro condolence." Rinig kong turan ni noah mula sa likuran ko at tinapik ang likod ko.

Hindi ko sya nilingon at nakatitig lang kay mommy.

"Blair condolences huhuhuhu" Si jia.

Tumayo ako at humarap sa kanila. Nandito silang lahat "Salamat. Excuse me. " Saad ko at lumabas ng chapel.

The Three Popular Boys In Our Campus Are My Ex's [COMPLETED]Where stories live. Discover now