40

88 9 0
                                    

"Mr. & Mrs. Torres, I am asking your permission to court your daughter naomi, again."

Diretsong sambit ni matthew sa harap nila mom and dad.

What the?!

"Matthew?" Tawag ko sa kanya dahilan para mapatingin sya sakin ganon din sila mommy and daddy.

"Gising kana pala anak." Nakangiting bati sa kin ni mommy. Umupo naman ako sa tabi nya.

"Good Morning mom, dad." Bati ko sa kanila at bumaling kay matthew. ".. Good morning matthew, anong ginagawa mo dito? Haha ang aga mo naman." Kalmado kong tanong sa kanya pero sa totoo lang ang lakas ng tibok ng puso ko ngayon.

"I'm sorry naomi, hindi ko nasabi sayo na pupunta ako." Sya.

"Actually anak kanina pa sya dito. Mga 1 hour." Si dad.

"Ah ganon po ba.. anong bang kailangan mo matthew?" Ako.

"Gusto kong humingi ng pahintulot sa mga magulang mo naomi." Sagot nya.

"Huh? Pahintulot?" Tanong ko ulit kahit alam ko naman kung ano ang siansabi nya.

WAAAAAHHHHHHHH!

MANLILIGAW TALAGA SYA?! SERYOSO BA TO?!

"Pahintulot na ligawan ka naomi." Sagot nya ulit.

AAAAHHHH! Parang sasabog na ko sa kaba dito!!!

"Masaya ako sa ginawa mong ito, Matthew. Na nag papaalam ka saamin bago ligawan si Naomi. But, dalaga na ang anak namin kaya siguro na sa kanya na ang disisyon kung papayag ba siyang mag paligaw" Saad ni Mom.

"Ang samin lang. If Naomi will allow you to court her, at maging kayo. Never hurt her" Si Dad naman.

Wahhh. Nakakatouch naman sila.

"Of course po, I will" Sagot naman ni Matthew.

***

Kami nalang ni Matthew ang nandito sa sala kasi pumasok na sila Mom and dad sa trabaho. Mag ka tabi kami ngayon ni Matthew dito sa sofa at medyo---No, ang akward. Aish.

"Naomi" Pangunguna ni Matthew.

"Hmmm?" Ako.

"Nabigla ka ba?" Siya.

"Saan?" Ako.

"Sa pag amin ko at itong panliligaw ko uli sayo" Saad niya kaya bahagya akong tumango.

"But, it's okay" Ako.

"Naomi" Tawag niya uli sa pangalan ko at hinawakan ang dalawang kamay ko kaya napangitingin naman ako sakanya.

"I'm sorry if I seem to be rushing you but I need your answer now. Pwede ba kitang ligawan uli? Please naomi, give me a second chance" Makahulugang saad niya habang mag katitigan kami.

Nag katitigan pa kami ng ilang segundo bago ko siya sagutin.

"O-okay" Ako. Bigla naman siyang napangiti.

"Really? Ibig sabihin pumapayag ka na?" Masaya niyang saad kaya bahagya akong tumango.

"Yes! Thank you Naomi" Masaya niyang saad at niyakap ako.

***

THE NEXT DAY

Nandito kami ngayon sa cafeteria, breaktime na kasi. Kasama ko ngayon sila Leigh, Kristoff, Jia at Troy.

Hindi ko pa na sasabi sakanila ang tungkol sa kahapon kaya balak ko ng sabihin ngayon. Pero bago yon pupuntahan ko muna si Matthew may sasabihin raw kasi siya sakin.

The Three Popular Boys In Our Campus Are My Ex's [COMPLETED]Where stories live. Discover now