"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ni third. Dahan dahan naman ako lumapit sakanilang dalawa.
"Na sa loob na si ma'am, yung masungit. Yung di nag papapasok pag late" Mahinang turan ko sakanila.
Sumulyap naman si third sa room.
"Oo nga noh" Saad niya.
"Saan ka ba galing? Bakit ka na late?" Tanong ni third.
"Nag cr lang ako saglit" Sagot ko.
"Eh kayo? Nag pa chicks pa kayo noh? Himala di niyo kasama si blair" Dugtong ko.
"Bakit nami? Selos ka? Sige, don't worry. Hindi na kami mag papachicks para sayo" Parang nangaasar na saad ni third. Napangiwi naman ako sa sinabi niya at walang pasabing kinuha ang notebook na dala ni matthew at hinampas ito kay third.
"Aray ko! Bakit ba" Daing niya.
"Tigil tigilan mo nga ako third" Irita kong saad sakanya at napairap pa.
"To naman! Hindi mabiro. Kinuha namin yung notebook ni matthew na hawak mo. Hindi sumama si blair dahil tinatamad siya" Si third. Pero inirapan ko lang siya.
"So.. dito lang tayo? Pwede naman atang maghingi ng sorry kay ma'am--" hindi ko na pinatuloy ang sasabihin ni matthew.
"Sorry? Tsk. Hindi nyo kilala yan nagpapahiya yan ng students. Hmp." Naiinis kong bulong.
"Okay, sige sa cafeteria muna tayo tambay hahahahaha ano naomi sama ka?" Si Third, inirapan ko naman sya.
"Kayo nalang, sa library ako." Si matthew at naglakad na. Aish, pano to kami lang maiiwan dito ni third.
"Oyyy matthew!.." habol ko sa kanya. "Sama na ko sayo--" Bahagya naman akong napatigil nang bumaling si matthew sa kamay ko na nakahawak na pala sa braso nya,WAAHHHHHHH
"Ay sorry hehe.." Ako at agad na binitawan sya. "Sama nalang ako sayo--"
"Ako din bro sama nalang din ako sayo." Singit nanaman ni third. Ang epal talaga kahit kailan.
-LIBRARY
"Wooooooooowhaaaaaaaay" mahabang hikab ni Third.
Wala pa kaming 10 minutes dito sa library pero boring na boring na ko huhu nasa iisang table lang kaming tatlo.
Aish, bakit mo ba naisipan self na sumama sa kanila?
Napabaling naman ako kay third nang mapansing kong tumititig sya sa akin habang nakangiti, potek anong ginagawa nya.
Tsk. Inirapan ko lang sya at bumaling naman kay matthew na seryoso sa binabasa nya. Hmp. Ang boring.
Napatingin ako sa orasan.
Huhu 20 mins pa bago matapos si ma'am huhu.
Napayuko nalang ako sa notebook ni matthew na nasa akin paden hanggang ngayon. deba ito yung pinanghampas ko kay third kanina. Nasa akin paden hshshs
Aish. Inaantok ako..
"Naomi?Naomi?"
"Naomi? wake up?"
Dahan-dahan kong inaangat ang ulo ko nang marinig ko ang mga boses na yon bahagya din nila akong niyuyugyog sa balikat para magising.
"Hmmmm.. why?" Medyo inis kong tanong huhu sarap ng tulog ko eh.
"Ah.. naomi nakatulog ka, next subject na natin." Rinig kong sagot ni matthew pero di ko sya nagets dahil antok pa ko kaya napayuko ulit ako sa desk. "5 minutes." Lutang kong sagot.
YOU ARE READING
The Three Popular Boys In Our Campus Are My Ex's [COMPLETED]
RomanceIceah Naomi Guevarra Torres has three ex-boyfriends that happened to be friends and her very strict brother's friends, too.