11

140 11 2
                                    

Naomi's Point of View.

Matapos ang nangyaring eksena sa lockers kanina ay agad akong bumalik dito sa room. Iniwan ko si third, alangan namang samahan ko pa siyang mag bihis.

"Leigh oh" Saad ko pag kalapit sa upuan ni leigh at nilapag ang science book sa table niya. Science time kasi namin ngayon pero wala si ma'am pumuntang meeting pero nag iwan siya ng activity.

"Tagal mo ah" Siya habang na sa mga ginagawa niya parin ang tuon. Umupo naman na ako sa upuan ko sa tabi niya syempre.

"Pano ba naman kasi! Yung bwisit na ariana---"

"Bakit? Inano ka na naman non? Tara nga at maturuan ko ng leksyon---" Napatigil naman siya sa ginagawa niya at akmang tatayo pa pero pinigilan ko siya.

"Kalma ka lang okay. Hindi naman siya nag tagumpay sa binalak niyang gawin sakin" Saad ko.

"Bakit? Anong binalak gawin sayo ng impakta na yon?" Siya.

"Nag lagay ng timba na may lamang tubig sa taas ng locker ko. Buti nalang nakita ni third, kaya nung bubuksan ko na yung locker tinulak niya ko. Kaso ayon, siya tuloy yung nabasa" Paliwanag ko kay leigh.

"Oh talaga?" Napalingon naman kami sa likod namin at si blair pala na nasa likuran namin at nakikinig. Inirapan ko naman siya. Bwisit talaga to.

"Chismoso ka rin eh noh" Irita kong saad.

"Oh third!" Biglang dating ni third na nilapitan ni blair. Naka tshirt na si third.

~

Matthew's Point of View.

"Oh third, bat naka tshirt ka na? Basa pa yang buhok mo. Naligo ka ba?" Tanong ko kay third na kararating lang.

"Eh pano, nag feeling hero! BWAHAHAHAHAHA" Si blair.

"Bakit?" Tanong ko kay blair.

"Sinalo niya yung tubig na dapat kay naomi babagsak. Tsk, kaya pala di ka nag aya mag cr huh. Gusto mo ikaw ang maka score kay naomi huh" Si blair.

"Hoy tanga! Nag kataon lang yon, na nakita ko. Tsaka pano mo nalaman yan ha" Si third.

"Tsk, wala ka na don!" Si blair.

"Nye nye! Inggit ka lang, naka score ako kay naomi" Si third. Tsk.

~

Naomi's Point of View.

Bigla namang may pumasok sa room namin na isa ata sa mga ssg officers at pumwesto sa gitna.

"Good afternoon guys. I'm Joaquin Mercader, isa ko sa SSG Officers. At naparito po ako para mag announce na mag kakaroon po tayo ng liga sa darating na friday. And before non may volleyball muna para sa girls. So, wala pong klase sa friday. That's all, thank you. Have a nice day" Pag katapos niyang mag announced ay umalis na siya.

Nag simula na uli umingay ang classroom namin na tila tuwang tuwa sa inannounce ng ssg officer.

"Wahhh! Yehey! Walang klase sa friday!" Syempre isa na ko don sa masaya. HSHSHSHS.

"Di ba sinabi na satin yan ni jia?" Si leigh.

"Huh? Kailan?" Kunot noo kong tanong.

"Last week? Ay oo nga pala, di ka nga pala nakikinig samin. Lutang ka kakaisip don sa napanaginipan mo" Siya.


Blair's Point of View.

*RINGHHHGGGGG

"Class dismiss!" Saad ng prof. namin, hays sa wakas.

The Three Popular Boys In Our Campus Are My Ex's [COMPLETED]Where stories live. Discover now