15

109 9 0
                                    


THE NEXT DAY.

Naomi's Point of View.

"Leigh?" Biglang tawag ko sa kanya. Nandito kami ngayon sa room at wala pa kaming prof.

"Yes?" Sagot nya na hindi tumitingin sakin, as usual nagsasagot sya ng math.

Gusto ko kase talagang itanong sa kanya kung bakit magkasama sila ni matthew kahapon. Kanina kase habang magkakasama kami nila jia ay walang kahit ano syang kinwento samin. Sinabi ko rin kay jia na hayaan natin si leigh na mag kwento samin. Naano naman ako kung kay matthew ko itatanong.

"Ah... kamusta yung inasikaso mo kahapon?" Ako.

Napansin ko namang natigilan sya sa pagsusulat. Pero hindi parin sya tumitingin sakin.

"Hmm.. ayos naman." Maikli nyang sagot.

Aish! Paano ko ba sasabihin na nakita namin sila ni matthew kahapon, hay nako bahala na magsasabi rin yan si leigh hindi kami nagsisikretuhan sa isa't-isa.


-Garden

"Tatanungin ko ba si matt o hindi?" Tanong ko sa mga dahon dito. Oo guys sa dahon. Nandito ako sa garden nagcu-cutting, charot.

Nagsabi kase si prof. Na may meeting daw silang mga teachers kaya ito nagpaalam muna ako kay leigh na magc-cr dahil kapag walang teacher nabubwisit lang ako kala Blair at third napaka-papansin.

"So ano na? Itatanong ko ba kay matthew kung bakit sila magkasama ni leigh o hindi?" Tanong ko ulit sa mga dahon, buti at magisa lang ako dito nakakapag-usap kami ng mga dahon at halaman.

Oo guys baliw na ko.

Pumitas ako ng isang bulaklak at isa-isang pinitas ang mga petals

"Itatanong"
"Hindi"
"Itatanong"
"Hindi"
"Itatanong"
"Hindi"

Saad ko sa huling petals, edi Hindi!

"Naomi?"

"Oh bakit? Hindi na nga eh, ska pakialam ko ba." Sagot ko sa nagsalitang dahon. " Walang sikretong hindi nabubunyag noh!" Dagdag ko pa.

"Naomi? Are you okay?"

"Oo naman! Bakit hindi ako magiging okay---" Literal na nanlaki ang mga mata ko, potek! Familiar ang boses na yun ha!

"M-Matthew?! Kanina kapa nandyan?" Tanong ko sa kanya nang magkaharap kami.

WATDAPAK! Narinig nya ba lahat ng mga kabaliwan ko?!

Huhu pangalawa na to. Baka iniisip nya nang nababaliw na talaga ko huhu nakakahiya ka iceah.

"A minute. Again are you alright?" Tanong nya ulit na may bahid nang pag-aalala.

Siguro iniisip nyang nabubuang nako huhu.

"Ah.. Oo naman HAHAHA okay lang ako, bakit? Ikaw anong ginagawa mo dito?" Chill kong sagot pero hiyang-hiya ako sa sarili ko ngayon.

"I want to breathe fresh air." Sagot nya.

"Ah okay HAHAHA sige bye." Ako at mabilis na tinaliuran sya--

WAAAHHHHH si kuya!!

Papunta si kuya dito sa garden! Omg! Paano kapag nakita nya kami ni matthew na kaming dalawa lang dito?!

Agad akong humarap kay matthew at hinila sya gilid ng halaman.

"What--"

"Sshhh.." Suway ko sa kanya nang magtangka syang magsalita.

"Yeah. Kay Ms.Gonzaga mo isesend yung files." Si kuya habang nakikipagusap sa co-ssg nya. Tsk ang bagal naman nila maglakad.



Hayyy.. Thanks God nakalagpas narin si kuya samin nang hindi kami nakikita.

The Three Popular Boys In Our Campus Are My Ex's [COMPLETED]Where stories live. Discover now