Matthew's Point of View.
Breaktime na namin ngayon pero nandito parin kaming tatlo nila blair at third sa loob ng classroom. Yung ibang classmates rin namin ay nandito lang pero mas marami ang nasa cafeteria ngayon kasama na doon sila Naomi.
Kakausapin kasi namin ang tatlong gossip na pinag chismisan si Naomi kanina, bilang parte ng plano na naisip ni Blair kanina.
"Ann" Tawag ni Blair sa classmates namin. Isa siya sa nag chichismis kay Naomi kanina.
Nasa tabi niya namam ang dalawa pang gossip na kasama niya kanina. Sila Lia at Keila. Nandito pa sila sa room dahil nag papaganda pa yan sila bago pumuntang cafeteria.
Tch.
"Yes Blair?" Pababeng tanong nito kay Blair. Tch. Nandito na kami sa gawi nila.
"Narinig at nakita namin yung pag chichismisan niyo kanina tungkol kay Naomi" Seryosong saad ni Blair.
Nag katinginan naman silang tatlo.
"Then? Totoo naman lahat ng pinag usapan namin kanina ah. Akala ng lahat nbsb at study first yang Naomi na yan. Yon pala, nag ka ex na. Tatlo pa at mag kakaibigan pa" Saad ni Keila.
"Paaralan to hindi to lugar para magchismisan kayo ng mga walang kwentang bagay. Kahit isang milyon pa ang ex ni nami wala kayong pakialam dun. Alam nyo ba na pwede ko kayong kausuhan isa isa dahil sa mga pinagsasabi nyo kanina. Hindi nyo alam na nakakabastos na kayo ng tao sa pamamagitan lang salita nyo, sa tingin nyo kayo kaya ang pagusapan ng kung ano ano, hindi kaya kayo masasaktan?!" Seryosong lintaya ni Blair.
"Kalma bro" Si Third.
"Sino kayo para pagsalitaan ng ganon si naomi? Magulang nga ata nya hindi sya sinasabihan ng malandi at maharot, tapos kayong mga walang ambag sa buhay nya ang lalakas magsalita ng ganon sa kanya!? Tignan nyo muna ang mga sarili nyo bago kayo mang lait ng iba." Seryosong lintaya naman ni Third.
"Wow, kalma eh noh" Rinig kong bulong ni Blair kay Third.
"Kahit ilan pa ang maging ex ni Naomi, wala kayong pake dahil karapatan niya yon, buhay nya yun. At hindi tinago ni Naomi na nag ka ex na siya para lang palabasin sa lahat na study first siya o kahit ano pa man. Itinago niya yon dahil sa kuya niya, hindi dahil sa kung anong bagay. At kahit ano pang itago nya WALA KAYONG PAKIALAM DAHIL HINDI NYA KAYO PINAPAKIALAMAN SA KUNG ANO MAN ANG GINAGAWA NYO." Seryosong lintaya ko naman sakanila.
Halata naman na parang natauhan at na guilty sila.
"Sorry. We didn't mean it" Si Lia.
"Wag kayo samin mag sorry, kay Naomi" Si Blair.
"Don't worry, may naisip na ako/kaming paraan para makabawi kayo kay Naomi" Saad ni Blair.
***
FASTFORWARD, DISMISSAL
Jia's Point of View.
"Naomi, sorry pero hindi na muna ako sasama na ihatid ka sa parking lot ayoko kasing makita ang kuya mo. Leigh, hintayin nalang kita dito" Saad ko habang nag lalakad kami. Napahinto naman sila kaya huminto rin ako.
"It's okay Jia, no problem. Tsaka Leigh, wag mo na akong ihatid sa parking lot umuwi na kayo ni Jia kaya ko naman na" Si Naomi.
"Sure ka ba?" Tanong ni Leigh.
"Oum" Si Naomi.
"Sige na Naomi, mag pasama ka na kay Leigh. Hihintayin ko naman siya dito eh" Ako.
"No, it's okay. Promise" Siya.
Bait talaga ni Naomi.
"Sure? Sorry ah, nadadamay ka pa tuloy sa pag iwas ko sa kuya mo" Ako.
"Yes. Ano ka ba! Anong nadadamay? Sira! Hindi noe, I understand you" Siya.
YOU ARE READING
The Three Popular Boys In Our Campus Are My Ex's [COMPLETED]
RomanceIceah Naomi Guevarra Torres has three ex-boyfriends that happened to be friends and her very strict brother's friends, too.