Epilogue

260 10 0
                                    

The Vow's Finale


"NO!"

"Nami? Nami?" Rinig kong tawag sa akin nila leigh at jia. Dahan-dahan akong napabangon at tinignan sila.

"Nasan sila Blair, matthew, at third?" Tanong ko sa kanila.

"Blair? Third? Matthew? Who are they?" Takang tanong sakin ni leigh.

"Sino yun nami?" Si jia.

"Hindi nyo kilala sila Blair, third, at matthew?" Naguguluhan kong tanong sa kanila.

"Hindi hahaha sino ba sila? Nakatulog ka lang kung sino sino nang sinasabi mo." Natatawang Saad ni Leigh.

"Anong sinasabi nyong dalawa? Bakit hindi nyo sila kilala?!" Seryoso kong tanong sa kanila.

"Girl. Hindi namin kilala yung mga sinasabi mo sino ba yun? Ikaw nga dyan yung kung ano ano ang sinabi nakatulog ka lang." Si jia.

"Anong nakatulog?" Ako.

"Habang pinaguusapan natin yung party ni gelo tonight bigla ka nalang nahimatay, may gusto ngang ipakilala si noah myloves satin eh tatlong lalaki pero bigla kang nahimatay kaya dinala ka na muna namin dito sa clinic." Paliwanag ni jia na literal na ikinatigil ko..

"Anong exact date ngayon?" Nanghihina kong tanong sa kanila.

"February 8, 2021. Why? Okay ka lang ba?" Tugon ni leigh na lalo kong ikinagulat.

February .. 8 .. 2021?

Mabilis akong tumayo at lumabas ng clinic narinig ko pang tinawag nila ako pero hindi ko sila nilingon at patuloy ang paglakad..

Anong ibig sabihin nito?

Hindi nila kilala sila Blair, third, at matthew?

February 8, 2021 palang ngayon? Pero sa panaginip ko May 2022 na?

Anong ..

Panaginip lang ang lahat ng iyon?

Gulong-gulo ako sa mga oras na 'to..

Pinagmasdan ko ang itsura ng bawat parte ng school na nadadaanan ko. At wala pa rin itong pinagbago. Mula sa pinaka una ng panaginip ko ganon na ganon..

Napahinto ako sa harap ng cafeteria nang makita ang isang pamilyar na bagay..

Yung cake ..

Yun ang cake na pinagsubsuban ko sa panaginip ko .. nang marinig kong nagsalita si blair..

Ganon na ganon yung cake..

Nagpatuloy ulit ako sa paglalakad hanggang sa makakita ako ng bola ..

Ang bolang yun .. yun ang bolang tumama kay third sa panaginip ko ..

Hindi ko alam ngunit kusang bumagsak ang mga luha ko..

Nagpatuloy ulit ako sa paglalakad hanggang sa makarating ako sa garden..

Ang mga halaman at bulaklak dun gayang-gaya sa panaginip ko.. nang magkita uli kami ni matthew ..

Anong ibig sabihin ng lahat ng 'to?

Totoong-totoo lahat ng mga nakita ko ngayon at sa mga panaginip ko..

Hindi lang yun basta panaginip ..

Isa 'yung pangitain ..

Oras na magtagpong muli ang mga landas namin ..

Lahat ng nasa panaginip ko ay mangyayari ..

Mamamatay ang mommy ni blair ..

Mamamatay si janella ..

Mamamatay si Ariana ..

The Three Popular Boys In Our Campus Are My Ex's [COMPLETED]Where stories live. Discover now