08

170 12 2
                                    

AFTER ONE WEEK

Leigh's Point of View.

Papunta uli kami ngayon sa bahay nila nami para mag practice. Final practice na ngayon. Sa monday na kasi ang role play. Kasabay ko uli pumunta kila nami ang tatlo niyang ex.

Medyo nakakailang sila kasama. Sobrang ingay ng dalawa, si blair at third. Si matthew tahimik lang pero, parang may iba akong nararamdaman sa tuwing kasama ko siya.



FASTFORWARD

Nandito na kami sa bahay nila nami. Nandoon na yung guard nila sa labas kaya siya ang nag papasok samin, kilala naman ako non. Habang yung maid naman ang nag patuloy samin dito sa loob. Nandito kami ngayon sa may sala.

"Si nami ba pinunta niyo dito leigh? " Usap samin ni manang helena. Yung maid nila dito.

"Ay hindi po yung pinunta namin dito, makikipag laro po kami sainyo" Rinig kong bulong ni blair.

"Pffft! HAHAHAHAHA gago ka talaga bro" Mahinang saad ni third. Hays, mga loko loko talaga.

"Umayos nga kayo, pag kayo narinig niyan" Mahinang saway ko sakanila.

"Ah opo manang helena. Si nami po pinunta namin dito, mag papractice po uli kasi kami dito para sa roleplay" Magalang kong sagot.

"Ah ganon ba. Oh---"

"Helena! Paki tulungan nga muna ako saglit dito" Saad ni mang nestor mula sa labas. Siya naman ang taga linis sa labas ng bahay nila nami. Sa pool, sa garden. Yaman nila diba.

"Ah sige, sandali!" Sagot ni manang helena.

"Nak, kayo nalang ang tumawag kay nami. Doon sa 2nd floor ang kwarto niya sa unang pinto. Okay lang ba?" Usap samin ni manang helena.

"Sige lang po" Sagot ko.

"Oh sige, salamat maiwan ko na kayo diyan" Siya at umalis na.

"Ahm... Matthew, ok lang ba ang tumawag kay naomi? Ihahanda ko na tong mga kailangan natin sa study room" Usap ko kay matthew.

"Sure" Sagot niya at tumayo na.

"Uy sama kami" Si third at blair at akmang susunod na kay matthew ng pigilan ko sila.

"At kayong dalawa. Sasama kayo sakin, tutulungan niyo ko.

...

~

Matthew's Point of View.

Umaakyat ako ngayon sa hagdan papuntang second floor nila naomi para puntahan siya sa kwarto niya.

~

"Ito na ba" Saad ko sa kawalan matapos kong marating ang second floor ay nakita ko agad ang unang pintuan na may kunting bukas. Dahan dahan akong nag tungo doon.

Akmang kakatok na ako, pero natigilan ako ng makita si naomi mula sa uwang ng pintuan niya.

Anong ginagawa niya?

~

Naomi's Point of View.

Nandito ako ngayon sa loob ng kwarto ko, tamang hilata lang. May practice uli kami ngayon dito sa bahay para sa roleplay, final practice na iyon pero hindi ko sure kung anong oras sila pupunta.

Napatigin naman ako wall ko kung saan nakadikit ang mga posters ng bts at ni jimin na topless. Napatayo naman ako at lumapit sa mga posters.

"WAHHH! Buti nalang talaga hindi totoong tinapon kayo ni kuya dahil kung hindi baka makalimutan kong kuya ko siya huhu" Usap ko sa mga posters.

The Three Popular Boys In Our Campus Are My Ex's [COMPLETED]Where stories live. Discover now