Leigh's Point of View.
Basa ni nami sa nakasulat sa card. Sino ba kasi siya. M?
"M?" Kunot noo niyang saad. Tinignan ko naman siya at nag kibit balikat lang.
"Sinong M naman to? Hmm..." Siya.
"Actually, pangatlong beses na to na may nakikita akong mga ganyan sa locker ko. Pero di ko parin alam kung sino ba siya" Ako.
"Omg, talaga? Wahhh, ang leigh namin. Dalaga na" Siya, kaya napangiwi ako.
"Tch! Sira! Wag mo ng intindihin yan. Tara, bihis na tayo" Ako at nilock na ang locker at nag lakad na sumunod naman si nami. Kung nag tataka kayo kung pano niya nailalagay. May maliit kasi na pahabang butas sa loob ng locker.
"Wahhh! Kainggit ka naman! Sana all may secret admirer!" Si nami.
Jia's Point of View.
"Dito kana ba nak?" Tanong ni daddy reys.
"Yes po dad, dyan nalang po sa tabi ng gate nila nami." Sagot ko at iginilid na ni dad ang kotse.
"Thank you dad!" Ako at nagbeso na kay daddy. " hindi na po ba kayo papasok kala namin?" Ako.
"Hindi na nak. May lakad pa ko eh." Sagot ni dad.
"Okay po, byebye dad!" Ako at tuluyan nang lumabas ng kotse.
Hindi ko sinabi kay nami na didiretso ako dito sa kanila, para surprise hehe gusto ko sumabay sa kanila ni noah myloves.
Friday na ngayon at P.E namin. Liga day! Omg, excited na ko makita si Noah na nagba-basketball!
Nagdoorbell muna ako at pinapasok naman ako agad ng guard nila.
"Thank you po!" Sabi ko sa guard.
Aakma na akong didiretso sa main door nila nang makita ko si Noah na papunta sa parking lot nila.
Ang gwapo gwapo talaga ng future asawa ko huhu.
"Hi Noah!" Sigaw ko dahilan para mapatingin sya sakin.
"Anong ginagawa mo dito?" Tanong nya nang makalapit ako.
"Hmm.. Sasabay ako kay nami papuntang school hehe nasan sya?" Ako.
"Wala na sya." Sagot nya.
Ano daw? Wala na si nami??!
"Ha? Si nami? Wala na..?" Ako.
"I mean wala na sya nakaalis na, anong iniisip mo dyan. Tsk." Sya at aakma na sanang papasok sa kotse.
"Ah wait! Umalis na si nami?" Ako.
"Paulit-ulit." Sagot nya.
Hala pano to, San ako sasabay huhu
"Eh pano yan san ako sasabay nakaalis na si daddy." Sambit ko at parang nagpapa-awa sa kanya.
"I don't know." Sagot nya at aakma na sana ulit na pumasok sa kotse pero biglang dumating si tita rosei.
"Oh jia? You're here!" Bati ni tita sei at nagbeso-han kami.
"Hello po tita." Ako.
"Bakit ka nandito sa labas? Hinahanap mo ba si nami?" Tanong ni tita.
"Yes po. Kaso nakaalis na po sya. Hindi ko nga po alam kung san ako sasabay haha." Ako.
Bumaling naman si tita sei kay noah.
"Andrix? I sabay mo na si jia." Si tita sei, Yeyyyy!
"What?" Si noah.
YOU ARE READING
The Three Popular Boys In Our Campus Are My Ex's [COMPLETED]
RomanceIceah Naomi Guevarra Torres has three ex-boyfriends that happened to be friends and her very strict brother's friends, too.