Noah's Point of View.
Papunta ako ngayon sa room ni naomi para ibigay sa kanya ang wallet nya, naiwan nya kase sa kotse ko kanina. Ang babae talaga na yun napaka burara.
"Omg! Si Noah dadaan dito!"
"Noah ko! Ang gwapo nya talaga!"
"Noah pa-picture please!"
Mga tilian ng mga studyante habang padaan ako sa kanila. Hindi ko sila pinapansin at nagpatuloy lang sa paglalakad. Lagi namang ganyan sanay nako.
Medyo malayo palang nang matanaw kong lumabas ang mga kaibigan ko na sila matthew,third at blair mula sa room nila.
Wala na silang professor?
"Oh bro! Napadaan ka." Bati sakin ni blair nang makalapit nako sa harap ng room nila.
"Uh Oo ibibigay ko kay naomi tong wallet nya. Wala na kayong prof?" Tanong ko sa kanila.
"Ah wala na kaalis lang, wala dito si naomi hindi sila pumasok sa mapeh class." Sagot ni third. Hindi pumasok si naomi?
"Wala si naomi?" Ako.
"Yeah. Kanina pa sila wala ni leigh." Si matthew. Kinabahan naman ako, baka kung ano nanamang kalokohan ang ginawa ng kapatid ko.
*TING
Napatingin naman ako sa phone ko nang tumunog iyon.
'Jia Avanzado posted a photo with Iceah Naomi Torres and Everleigh Samson
Basa ko sa notification ko, tinignan ko naman yon at nakita ko ang kapo-post lang ni jia ng picture nila at may caption pang
'FRUITCAKES'
'@Hallway'Tch! At nag post pa sila habang nagcu-cutting?!
"Bakit bro?" Tanong ni blair.
Pero bago pa ko makasagot ay napabaling kami kala naomi na patakbong papunta sa amin.
"H-Hi kuya! Hehehehe" Hinihingal nya pang sabi sakin.
"Hi noah my loves, char HAHAHA" Si jia, tsk.
Si leigh naman ay seryoso lang.
"Saan kayo nanggaling huh?" Diretso kong tanong kay nami.
"Ah...eh... namasyal lang kuya hehe" sagot ni nami pero siniko sya ni jia.
"gaga ka sabihin mo na nagcutting tayo!" Mahinang sabi ni jia pero rinig naman.
"Ah-eh kuya kase ano--"
"So nagcutting kayo?! Kailan kapa natutong mag-cutting Naomi huh?! At pinost nyo pa yung picture nyo habang nagc-cutting kayo sa hallway!!" Singhal ko kay nami. Pero sinigurado kong sa parte lang namin ang makakarinig dahil ayoko rin namang ipahiya ang kapatid ko.
"Eh kase.. natatae ako kanina eh.. ang tagal lumabas nung tae--"
"BWAHAHHAHAHAHA sabi sayo nami mag-cr ka muna bago pumasok eh HAHAHAH" Tawang-tawa na sabi ni blair pero inirapan lang sya ng kapatid ko at hindi ko rin pinansin dahil nakatuon ako kay nami.
"S-Sorry talaga kuya.. totoo yun promise natatae talaga ko kanina ska hindi naman namin sinasadya na magcutting eh nalate lang kami ng 10 minutes huhuhu" Sagot nya na parang aping-api, tsk.
"Kapag bumagsak ka, pwede mo bang sabihin sa prof. mo na natatae ka kaya hindi ka nakapasok!" Ako.
"H-Hindi.. sorry na nga eh.." nakayuko nyang sagot. Ganyan yan eh paawa.
"Maulit pa to, Iceah ha! Maulit pa to!" Galit kong Banta sa kanya at binigay ang wallet nya at umalis na.
Jia's Point of View.
YOU ARE READING
The Three Popular Boys In Our Campus Are My Ex's [COMPLETED]
RomanceIceah Naomi Guevarra Torres has three ex-boyfriends that happened to be friends and her very strict brother's friends, too.