Hindi ko namalayan na may mga luha na palang tumutulo mula sa mga mata ko..
Hindi ako makapaniwala sa mga narinig ko ..
Nag quit si Blair at third sa MTB?
At ngayon, nag-aaway away sila dahil sa akin?
~
"Parang napakabilis mo naman atang sagutin si matthew? Sana lang ay nag-iisip ka."
~
Naalala ko ang sinabi ni kuya sa akin..
Naomi .. oo nga .. bakit napaka bilis kong sagutin si matthew?
Kinuha ko ang phone ko at inopen sa messenger ang account ni matthew.
Alam ko ang pass nya dahil binigay nya sa akin.
Binasa ko ulit dun ang conversation nila ni leigh.
~
'Hindi pa pala alam ni nami na sa states tayo mag-aaral. Hindi mo pa nasabi sa kanya?' -Chat ni leigh.
'Not yet. Humahanap pa ako ng timing." -Reply ni matthew.
'Sabihin mo na sa kanya, 3 weeks nalang at iuuwi na tayo ni daddy sa US." -Si Leigh.
~
Tinago ko na ang phone ko at mabilis na nagtungo sa cr.
Pagkapasok ko palang sa cr ay binuhos ko na ang mga luhang kanina pa gustong bumagsak.
Buti at walang tao dito.
Nakatingin ako ngayon sa salamin habang pinagmamasdan ang sarili ko..
Naomi .. for the second time ..
Nakagawa ka nanaman ng maling desisyon.
Magkaka-away ngayon ang tatlo kong Ex dahil sa akin.
Hindi ko manlang inisip kung anong pwedeng mangyare oras na sagutin ko uli si matthew ..
Hindi ko manlang inisip si Blair at third ..
Hindi ko manlang inisip na masasaktan ko sila ..
Hindi ko manlang inisip yung feelings nilang dalawa ..
"Napaka selfish mo naomi. Napaka selfish ko!" Sigaw ko sa harapan ng salamin habang patuloy parin ang pag-agos ng mga luha ko.
Nung araw na sinagot ko uli si matthew ay inisip ko lang na mhal ko sya.
Inisip ko lang na gusto ko na syang sagutin.
Inisip ko lang yung sarili ko.
Inisip ko lang ang sarili kong kaligayahan.
I'm sorry ..
I'm sorry blair ..
I'm sorry third ..
Nagkamali ulit ako ..
____________
Matthew's Point of View.
"Bakit mo pa kailangan magsinungaling sa girlfriend mo?" Sambit ni leigh pagkalabas namin ng room.
"Sasabihin ko na sa kanya mamaya, promise." Sagot ko.
Hindi naman talaga kami pupunta para sa ssg officers, uuwi kami muna sa bahay dahil pinatawag kami ni daddy para sa documents na f-fill up an namin para sa pag-uwi namin sa states.
Yes. I'm going to US with leigh and xhaileigh. Dun ako mag-aaral ng medicine. Hindi na kami makakaabot ng graduation.
Hindi ko muna sinabi kay naomi dahil wala pa akong lakas ng loob para sabihin sa kanya, alam kong masasaktan sya kapag nalaman nyang magkakalayo kaming dalawa.
YOU ARE READING
The Three Popular Boys In Our Campus Are My Ex's [COMPLETED]
RomanceIceah Naomi Guevarra Torres has three ex-boyfriends that happened to be friends and her very strict brother's friends, too.