35

97 10 0
                                    

Blair's Point of View.

"Anong sinasabi nyong kanina pa nakaalis? 3 hrs nang nawawala ang kapatid ko, hindi namin sya ma-contact?!" Saad ko sa guard dito sa school ni fhresha.

Sinabi nya kase kanina pa daw nakaalis ang service ng kapatid ko. Tsk.

"Sir Goldstein, baka ho na traffic lang." Sagot nya. Tsk.

Kanina pa ko kinabahan, tangina naman. San ba nagpunta ang babaeng yun!

"Dalhin mo 'ko sa office! Kailangan ko agad makita ang kapatid ko--" Napatigil ako nang biglang magring ang phone ko sinagot ko naman ito agad.

"Hello manang ano nang balita?" Bungad ko.

"Nandito na ang kapatid mo." Sagot nya.

~~~

"Na traffic?! 3 hours kayong na traffic!?" Saad ko sa kapatid ko na nasa harapan ko ngayon.

"Sorry na kuya.. Yung van kase eh.." sagot nya na nakayuko.

"Magsabi ka sakin ng totoo, saan ka nagpunta?!" Saad ko, pilit kong pinapakalma ang sarili ko dahil alam kong may pinuntahan nanaman to. "Fhresha?! I asking you!?" Ulit ko nang hindi sya sumagot at nakayuko lang.

"Pinuntahan ko si mommy sa cemetery tapos pumunta kami ng mall ng mga kaibigan ko.." sagot nya na nakayuko parin.

"Nagpaalam kaba sakin?" Seryoso kong tanong sa kanya.

"Hindi po, sorry na kuya."Sya.

"Sorry? Alam mo bang kanina pa kami nag-aalala sayo dito! Tapos ikaw nagpapakasaya lang sa mall kasama ang mga kaibigan mo!? Tapos hindi kapa matawagan!"sigaw ko sa kanya.

"Na lowbat kase ako kuya eh huhu sorry na hindi na mauulit." Sya at narinig ko pa ang paghikbi nya, umiiyak na sya.

Damn.

Lumapit naman ako sa kanya.

"Sa susunod magpapaalam ka muna sa akin kung saan ka pupunta. Hindi naman masamang pumunta ka kung saan mo gusto o magpakasaya ka kasama ang mga kaibigan mo, pero isipin mo naman na may kuya kang nag-aalala sayo. Paano kung napano ka, wala akong alam? Wala na nga sila mommy at daddy tapos pati ikaw mawawala rin sakin?!" Sambit ko sa kanya.

"Sorry na talaga kuya huhu promise hindi na po mauulit." Sya. Niyakap ko naman sya.

"Sorry nasigawan kita. Nag-alala lang talaga ang kuya, akala ko kung nasaan kana eh." Saad ko.

"Okay lang kuya, sorry talaga." Saad nya.

_____________

WEEKEND

Leigh's Point of View.

Nakaharap ako ngayon sa whole body mirror at pinagmamasdan ang kabuuan ko.

Nakasuot ako ngayon ng black na pantalon na high waist and croptop na fit na straight neck.

Pupunta kase ako sa bahay nila daddy dahil sinabihan nya ako na may ipapakilala daw sya sakin.

*TOKTOKTOK

Kinuha ko na ang shoulder bag ko at nagtungo na sa pinto. Alam ko na kung sino ito.

"Nice. You're so pretty sis." Nakangiting saad ni matthew sakin.

Nginitian ko lang sya at isinarado na ang dorm ko. Inakay naman ako ni matt papuntang kotse.

Kung nagtataka kayo kung bakit hindi pa ako nakatira sa bahay ng tunay kong ama, dahil mas gusto ko muna dito sa dorm. Bukod sa malapit sa school ay mas komportable ako. Medyo may ugali kase ang mommy ni matthew. Basta alam nyo na ang ibig kong sabihin.

The Three Popular Boys In Our Campus Are My Ex's [COMPLETED]Where stories live. Discover now