44

72 9 0
                                    

Naomi's Point of View.

"Mimi, are you okay?" Tanong sakin ni Matthew at umupo sa tabi ko. "Mukhang malalim ang iniisip mo?" Dagdag nya na nag-aalalang nakatingin sa akin.

10 minutes pa bago pumasok si ma'am Thirstelle. Kaya wala pa kaming teacher ngayon, si leigh naman ay may pinasa lang sa office kaya kami lang ni matthew dito sa side namin.

Hindi ko maiwasang malungkot at mag-isip ng kung ano-ano. Hanggang ngayon kase ay wala paring paramdam sila Blair at third. Si third nakausap ko sya sa phone kagabi pero saglit lang dahil binaba nya agad nang kamustahin ko sya at sabihin nyang okay lang sya. Si Blair naman hanggang ngayon hindi ko pa rin sya macontact, Pati ang kapatid nyang si fhresha. Nag-aalala na ko. hindi si Blair ang tipo ng taong hindi magpaparamdam lalo na sa akin at naka off pa ang phone.

"Nag-aalala ako kay blair .." sagot ko sa kanya.

"Kumuha na 'ko ng private detective para maghanap sa kanya. Huwag kana masyadong mag-alala makikita rin natin sya uli. Okay?" Saad nya at inakbayan ako.

"Okay .. " Pilit ngiti kong sagot sa kanya at sinandal ang ulo ko sa balikat nya.

Naramdaman ko namang hinalikan nya 'ko sa noo.

Buti nalang nandito ang boyfriend ko..

~

Agad naman akong napakalas kay matthew nang biglang pumasok si ma'am Real at tignan ako ng masama.

Bakit ganyan sya kung makatingin? Parang napaka laki ng kasalanan ko sya kanya, aish!

Bumalik na si matthew sa upuan nya at dumating narin si Leigh.

"Good morning class." Nakangiting bati ni ma'am Real samin.

"Good morning ma'am!" Bati rin namin sa kanya.

"Magkakaroon tayo ng activity ngayon, by group. At kailangan lahat kayo ay makikipag cooperate sa mga kagrupo nyo. Ang hindi ko magugustuhang report ay bagsak agad ng 3rd Quarter. Do you all get it?!" Parang makapangyarihan nyang paliwanag sa amin.

Bagsak agad? Kapag hindi nya nagustuhan?

Wow. Just wow!

Wala naman kaming magawa kaya nagsitanguan nalang kami. Tsh! Sumbong ko 'to sa dean eh.

~

AFTER 10 MINUTES ..

Kasalukuyan na ngayong sinasabi ni ma'am real kung saan ang mga grupo namin ..

Hindi kami magka grupo ni leigh, kainis.

Hindi pa kami natatawag ni matthew.. Sana magka group kami.

"Group 4, the leader will be Falteir and the members are maera, sorio,misolas and .. miano."

Aish! Bakit hindi ako kasama? Huhuhu

"Group 5, the leader will be Torres. And the members are Labor, Raga, Agquiz, and Alquisola." Saad ni ma'am real.

AAAAAHHH! LAST GROUP AKO? AT AKO PA ANG LEADER?!

HUHU KAYA MO 'TO NAMI. KAYO MO 'TO.

"I'll give you 20 minutes. At after nun magsisimula na ang reporting nyo." Saad ni ma'am real at aakma na sanang tatalikod nang humarap ulit sya at magsalit. "Lastly, Leaders lang ang magpapaliwanag ng activity na ginawa nyo." Sambit nya na matalim na nakatingin sa akin at ska lumabas ng room.

What? Leader lang ang magpapaliwang? Aish!

~

"The nervous system maintains homeostasis by controlling and regulating the other parts of the body. A deviation from a normal set point acts as a stimulus to a receptor, which sends nerve impulses to a regulating center in the brain." Basa ko sa sinulat kong lesson.

The Three Popular Boys In Our Campus Are My Ex's [COMPLETED]Where stories live. Discover now