13

106 10 1
                                    

Matthew's Point of View.

Mainit ang labanan sa pagitan ng dalawang team. Lalo na siguro para kila naomi at ariana.

Pinalo na ni ariana ang bola at tila sinadya niyang ipalo sa gawi ni naomi na kanina niya pa naman ginagawa.

Pero hindi nagawang umilag ni naomi o paluin ang bola kaya tumama ito ng malakas sa ulo niya.

"Naomi!" Sigaw ko ni leigh, nila blair at third at walang dalawang isip na tumakbo palapit sa gawi ni naomi. Pero nauna ako sakanilang lahat kaya bago pa man tuluyang bumagsak si naomi ay nasalo ko na siya.

Napatingin naman siya sakin. Nag katitigan kami.

~

Naomi's Point of View.

"Naomi! Ayos ka lang?!" Tanong nila leigh, blair at third.

"Ms. Torres, are you okay? May masakit ba sayo? Kung gusto mo mag pahinga ka muna" Lapit ng referee sa gawi namin.

"Ayos lang po ako. Medyo nahilo lang po ako, mag papahinga muna po siguro ako saglit" Ako.

Shocks! Bakit ganto parin yung pwesto namin ni matthew!

"Okay. Boys, pakidala naman siya sa clinic para makapag pahinga siya" Saad ng referee. Duh! No way! Kaya ko mag isa!

"Hindi na po. Kaya ko naman---" Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng bigla akong buhatin ni matthew. Yung pangkasal na buhat.

Sumunod naman samin si blair at third.

Tumingin ako saglit kay leigh na ayos lang ako wag na siya mag alala, kaya tumango siya at nag patuloy na sa pag laro.

Hindi kasi pwedeng sumama siya sakin. Uunti ang players sa team namin.

"Kumapit ka. Baka mahulog ka" Seryosong saad ni matthew habang sa daan lang ang tingin.

Dahan dahan ko namang sinabit ang isa kong kamay sa leeg ni matthew. Wahhh! Nakakailang! Help!

"Tsk. Dumadamoves" Rinig kong saad ni third mula sa likuran.

"Oo nga nami. Kumapit ka baka mahulog ka sakin" Si blair. Tsk.

"Kapal naman nito don ka nga!" Si third.

~

Nandito na kami ngayon sa loob ng clinic. Medyo--- No! Hindi medyo. Sobra! Sobrang nakakailang. Kasi kaming tatlo lang ang nandito. Walang umiimik samin.

Nakahiga ako ngayon habang sila nakaupo sa gilid.

Pumikit nalang ako at nag tulugtulugan.

"Third..." Basag ni blair sa katahimikan pero nag tutulugtulugan parin ako at nakikinig lang sakanila.

"Oh ano na naman" Si third.

"Pre... Matagal ko na tong gustong sabihin sayo, mukhang dito na ang tamang lugar para masabi ko to sayo" Si blair.

Pfft. Muntanga.

"Ano ba yon?! Parang gago lang tol" Iritang saad ni third.

"Pre... Mahal na ata kita pre" Sa blair. Hindi ko namang napigilang matawa dahil sa sinabi ni blair.

"Pffft! HAHAHAHAHA" Ako at napaupo pa mula sa pag kakahiga.

"HAHAHAHAHA" Tawa ko uli.

Napatingin naman ako sakanila na seryoso na palang nakatingin sakin ngayon. Nawala ang ngiti ko at sumeryoso.

Aish!

"Gising ka? Ayos ka na ba?" Si matthew. Tinanguan ko lang si matthew.

"Wag mo pansinin yung sinabi ni blair. Nag bibiro lang yan" Si third. Napatawa naman uli ako dahil naalala ko pfft haha.

The Three Popular Boys In Our Campus Are My Ex's [COMPLETED]Where stories live. Discover now