04

343 18 4
                                    

Jia's Point of View.

Kasalukuyan akong naglilibot ngayon sa buong campus, naghahanap ng bebe, char.

Hindi, kasama ko ngayon si Noah my loves. Naglilibot kami sa buong campus para mag announce sa mga sections ng mga activities ngayong month. Si Noah kase ang SSG president, ako naman ang SSG secretary kaya palagi kaming magkasama ng Noah my loves ko.

"My gosh! Si Noah dadaan dito!"

"Ang gwapo talaga niya, 'no? Saan kaya pinaglihi 'yan."

"Walang araw na hindi siya guwapo! Wahhh! Inlove na talaga 'ko sa kanya!"

Bulungan ng mga estudyanteng nadadaanan namin pero rinig na rinig naman.

Duh. Akin lang ang Noah ko!

Hindi naman sila pinapansin ni noah kasi loyal siya sa'kin–leh, enebe.

"WAAAAHHHHH!!"

"Jia!" Biglang hawak ni Noah sa kamay ko dahilan para hindi matuloy ang pagbagsak ko. Paano ba naman kasi, hindi 'ko nakita na may uwang na bato pala kaya ito muntik na 'kong masubsob sa lupa.

"Are you okay?" Si Noah. Hawak-hawak nya parin ang kamay ko.

"Hehe, thanks, Noah. Hehe, oo okay lang ako–WAAHHH!"

*BLAGGG

Anak ng! Ang saket!

Pagkasabi ko ng okay lang ako bigla ba naman akong binitawan kaya ayun natuloy yung pagbagsak ko sa lupa.

Aish pasalamat ka Noah mahal kita–ARRGGGH Ang sakit! May bumulwak! Hayop naman talaga oh, meron pala ako ngayon. Shit, ang sakit ng puson ko, huhu.

"Noah!" Sigaw ko sa kanya dahilan para tumigil sya sa paglalakad at lumingon sakin.

"Ano nanaman yon?" Sya, bahagya akong lumapit sa kanya.

"I need your help." Paawa kong sagot,

"Ano?" Sya.

"Ano ba yun? Bakit dinala mo pa ko dito sa cr?" Irita nyang tanong.

Tinignan ko kung may tao sa cr ng mga babae pero salamat sa diyos at wala.

"Pwede bang bilhan mo ko ng napkin please.." Naka pout kong pakiusap sa kanya. "Puno na kase eh–"

"What?! No way!" Gulat nyang saad. Hshshs

"Sige na please! Ikaw nalang ang pag-asa ko, bago ako matagusan–"

"Ih! Ayoko nga, Sila Naomi nalang ang utusan mo! Mapapahiya pa 'ko sayo eh! Lalaki ako tas pagbibilhan mo ko ng napkin, Si Naomi nga never kong binilhan ng ganyan, eh!" Diretso nyang sagot, aish hindi nya ba alam na kapag naging mag-asawa na kami sya na palagi ang pagbibilhan ko ng napkin, duh.

"Noah, sige na please! Huhu pano ko uutusan sila naomi wala naman sila dito, sige na please. Arrgggh! Ang sakit talaga!" Daing ko pero di naman talaga masyadong masakit puson ko. "Gumamit ka nalang ng plastic para hindi na kakahiya, please noah huhu" dagdag ko pa.

"Aish! Fine." Sya at iritang umalis. Hahahahahaha wait natatawa ako bakit ganon.

Meron naman kaming sariling mini market dito sa school na may tindang napkin kaya hindi na need na lumabas.

Kung makikita nyo lang ang itsura ni noah kanina hahaha hindi ko alam kung matatawa ba ko o ano eh.

AFTER CHUCHU MINUTES.

*Knocks

Dahan-dahan kong binuksan ang pinto ng cr at bumungad sa akin si Noah na...

Nakatakip ng plastic ang ulo.

The Three Popular Boys In Our Campus Are My Ex's [COMPLETED]Where stories live. Discover now