43

67 9 0
                                    

Thirstelle's Point of View.

"HAHAHAHAHA" Tawanan namin ni Mae pag kaalis ni Naomi matapos ko siyang utusang mag linis ng cr.

"Wait, there's more. May naisip uli ako haha" Siya.

"What is it?" Ako kaya binulong niya naman ito sakin.

***

"Wait, kuhanan naman natin ng video si Naomi. Sayang naman ang effort niya sa pag lilinis ng cr ng RIS kung hindi makikita ng iba" Rinig kong sabi sa loob ng comfort room. Pumunta kasi ako dito para gawin nga ang planong naisip ni Mae.

Tsk, I know that voice. Si Ariana yon, that damn girl. I really don't like her, masyado niyang pinipilit ang sarili niya kay kuya.

"HAHAHAHAHA" Tawanan nila.

Akmang vivideohan niya na si Naomi ng hablutin ko ang phone niya.

"Tigilan niyo siya kung ayaw niyong kayo ang i-video ko habang nag lilinis ng inidoro!" Ako. Inis naman akong tinignan ni Ariana na parang nagulat rin na nakita ako.

"Thirstelle?!" Kunot noo at taas kilay niyang sabi.

"Yes" Ako.

"Kailan ka pa nakauwi dito?" Siya.

"At sino ka para sabihin ko sayo? Wala ka ng pake don" Nakangisi kong sabi. Umirap naman ito.

"Tsk, akin na yung phone ko" Siya.

"Fine" Ako at binato ang phone niya pero hindi niya na salo malamang, kaya bumagsak ito sa sahig.

"How dare you?!" Siya at dinampot ang phone niya.

"Tsk, may araw rin kayo sakin!" Siya at tinignan kami ni Naomi ng masama bago lumabas ng cr kasama ang dalawa niyang aso.

"Thank you" Si Naomi. Tsk, tingin niya ba ginawa ko yon para iligtas siya. Assuming, ginawa ko yon 'cause I also hate Ariana.

"Ituloy mo na ang pag lilinis mo diyan" Ako.

"Yes ma'am" Siya kaya lumabas na ako ng cr. Tsk, humanda kang Naomi ka.

Nilock ko ang pintuan ng comfort room.

"Haha, tignan lang natin kung makalabas ka diyan" Mahinang sabi ko sa kawalan tsaka umalis.

***

Naomi's Point of View.

"Ituloy mo na ang pag lilinis mo diyan" Saad ni ma'am Real.

"Yes ma'am" Sagot ko kaya lumabas na siya.

"Mabait naman pala tong kapatid ni Third" Nakangiting saad ko sa kawalan at nag patuloy na sa pag lilinis.

FASTFORWARD

"Hays, natapos rin!" Saad ko sa kawalan matapos kong mag linis. Itinabi ko na ang mga ginamit kong pang linis at nag ayos sa salamin tsaka napag pasyahang lumabas ng cr. Akmang bubuksan ko na ang pinto ngunit ayaw bumukas. Pinilit ko itong ipihit at buksan pero ayaw talaga mukhang nakalock sa labas.

*TOK TOK TOK

"May tao ba diyan?! May nakakarinig ba sakin?! Na lock ako dito sa loob!" Sigaw ko mula dito sa loob nag babakasaling may makarinig saakin.

"Tulong! Na lock ako dito sa loob! May nakakarinig ba sakin?" Ulit ko pa habang kinakalampag ang pinto ng cr pero parang walang nakakarinig. Pano na to, wala pa kasing mag ccr ng ganitong oras mamaya pa ang breaktime. Isang oras ako mag hihintay dito?! Hindi ko pa dala ang phone ko.

AFTER 25 MINUTES

"Tulong... May nakakarinig ba sakin...?" Nanghihina kong saad. Kanina pa kasi ako sumisigaw dito sa loob pero wala paring nag bubukas ng pinto.

The Three Popular Boys In Our Campus Are My Ex's [COMPLETED]Where stories live. Discover now