33

98 11 0
                                    

Naomi's Point of View.

Hindi ko naman mapigilang umiyak dahil sa mga sinasabi nya. Ang tangi ko lang masasabi ngayon ay napaka swerte ko kase may kuya akong katulad nya.

Pinunasan ko ang luha ko at kumalas na sa pagkakayakap kay kuya.

"Sorry din kuya ha, nung nakaraan nasungitan kita. Tapos pinaghintay kita." Ako.

"Bakit mo ba ginawa yun?" Si kuya at pinaandar ulit ang kotse.

Bahagya naman akong napayuko. " Si jia kase kuya eh.. nagalit ako sa ginawa mo sa kanya, sa sinabi mo sa kanya nainis ako sayo." Sagot ko.

"Aish. Sinasabi ko na nga ba, dahil sa kanya." Si kuya at napatingin ako ng diretso sa kanya.

"Kuya, alam mo bang nasaktan talaga si jia sa sinabi mo? Sa sinabi mong--"

"Sinabi ko yun dahil ayoko syang umasa. Naomi, hindi mo ba napapansin parehas na parehas kayo ni jia. Lagi nyong minamadali ang mga bagay-bagay. HINDI AKO MANHID AT MAS LALONG HINDI AKO TORPE alam kong gusto nya ko matagal na at MAHAL KO DIN SI JIA, MATAGAL NA. Pero naomi sana maisip ni jia na hindi lahat ng gusto nya makukuha nya, hindi porket hindi ko sya pinapansin sa mga ginagawa nyang pagpapansin it doesn't mean na wala akong pakialam sa feelings nya. Masyado pang maaga para saming dalawa, para sa relationships na yan. Kung ikaw ang pinagbabawalan ko eh. May tamang panahon para sa mga ganyang bagay, ska sabihin mo sa kanya na hindi nya kailangan gumamit ng ibang tao para pagselosin ako dahil hindi ako magseselos dahil alam kong sakin parin ang bagsak nya. I love her. Kagaya mo naomi, Ayoko syang masaktan ng maaga kapag dumating yung time na naging kami at hindi nag work ang relationship namin. Sana maisip nya yun." Mahabang lintanya sa akin ni Kuya.

Hindi ko alam kung ano ang magiging reaction ko ngayon dahil sa mga sinabi nya, kikiligin ba ako dahil gusto nya na pala talaga si jia matagal na or malulungkot kase ayaw pa ni kuya makipag relationship sa ngayon.

"Eh paano kuya kung humanap sya ng iba--"

"Naomi, ayoko munang pag-usapan yan." Si kuya at ini-stop na nga kotse sa mismong parking lot ng school.

Bumaba na si kuya ng kotse at pinagbuksan ako ng pinto.

"Thnak you kuya." Saad ko nang makababa ako ng kotse.

Lalakad na sana kami papuntang main gate nang...

Saktong makasalubong namin..

Ang..

Tatlo..

Kong..

Ex..

Bumilis ang tibok ng puso ko nang makita ko silang tatlo. Seryoso ang mga awra nila ngayon maging si blair.

"Nami, mauna kana sa room mo."biglang saad ni kuya.

Bigla akong kinabahan.

"Ah.. sabay na tayo kuya--"

"Mauna kana iceah." Ma awtoridad na utos ni kuya kaya wala na akong nagawa kundi unti-unting lumakad palayo sa kanila.

WAAHHHHHHH!

Siguradong kakausapin ni kuya ang mga ex ko-- No, baka hindi lang kausap ang gagawin nya huhu sana hindi sila mag-away huhu..

~

-Cafeteria

"Nami!" Tawag sakin nila jia at leigh nang makalapit ako sa table nila.

Maaga pa ngayon kaya dito muna ako dumiretso sa cafeteria, chinat ko sila na dito kami magkita.

"Omg nami, okay ka lang ba? May masakit ba sayo? Sinaktan kaba nila? Anong nangyare? " Sunod-sunod na tanong ni jia nang makaupo na ko.

"Nami, nagalit ba sayo sila tita at tito?" Si leigh.

The Three Popular Boys In Our Campus Are My Ex's [COMPLETED]Where stories live. Discover now