Naomi's Point Of View.
"Iceah! Iceah!" Rinig kong tawag sa akin ni kuya mula sa labas ng kwarto ko.
"Mauna kana Kuya, Maya-maya pa ako papasok!" Sigaw ko sapat para marinig nya at nagtalukbong muli ng kumot.
"Iceah, it's already 7:30! Male-late kana kung mamaya kapa, hinid kaba susunduin ni matthew?" Sigaw nya ulit.
Aish! Bakit nya ba kailangan pang banggitin ang name nya?
Parang maiiyak nanaman tuloy ako.
"Hindi kuya! Sige na pumasok kana sa school, ayos lang ako!" Sigaw ko ulit.
Pero hindi na sya sumagot at narinig ko nalang na bumukas ang pinto ng kwarto ko.
Nilock ko yun ha. Kinuha nya ata ung susi.
"Hindi ka pa pala bumabangon." Ani ni kuya, aish! Bakit sya pumasok? Paano kung makita nyang mugto ang mga mata ko?huhuhu
"Masakit pakiramdam ko, bukas nalang pala ako makakapasok." Saad ko habang nakatalukbong parin ng kumot.
"Hoy iceah! May nangyare ba sayo?" Si kuya at naramdaman kong pilit nyang hinhila ang kumot ko. Aish!
"Ayos lang ako! Kailangan ko lang ng pahinga! Sige na umalis kana!" Sambit ko at hinawakan ng mabuti ang kumot para di nya maalis.
Mugto kase yung mga mata ko ngayon dahil sa magdamag na kakaiyak.
"Hoy iceah!" Sigaw ni kuya, at dahil mas malakas sya sakin ay natanggal nya ang kumot na nagtatakip sa mukha ko at hinipo ang noo at leeg ko. "Wala ka namang sakit? Ano bang nagyayare sayo?" Tanong nya, nakayuko ako ngayon.
"Wala! Don't mind me--" hindi ko na natuloy dahil iniharap nya ang mukha ko sa kanya.
Wala na..
"Umiyak ka ba? Bakit mugto yang mata mo? Anong nangyare?!" Halata na ang galit sa tono ni kuya.
AAAAAHHHHH! Parang babagsak nanaman ang mga luha ko.
Hindi ako makasagot. Paano ko sasabihin wala na kami ni matthew? Huhu
Paniguradong magagalit sakin si kuya at magagalit din sya kay matthew huhu.
"Iceah, I asking you! What happened?" Tanong nya ulit, pero imbis na sumagot ako ay tuluyan na akong napaiyak.
"K-Kuya ... huhu .. wala na .. I'm sorry.." Saad ko habang patuloy nanaman ang pag-agos ng mga luha ko.
"Wala na kayo ni matthew?" Sambit nya. Huhu paano nya nahulaan agad.
"Y-Yes kuya, wala na kami. I'm sorry, nagkamali nanaman ako ng desisyon." Ako.
"Anong nangyare? Anong ginawa nya sayo?!" Si kuya.
"Wala syang ginawa kuya. Ako ang nagdesisyon. Parents naming ginusto na maghiwalay. Narealized ko na.. nagkamali ako, na nakasakit ako ng dalawang tao. Hindi talaga kami ni matthew ang para sa isa't-isa kuya. I'm sorry kuya kung Nakagawa nanaman ako ng bagay na pinagsisihan ko nanaman ngayon." Saad ko habang patuloy parin ang pag-iyak.
Hindi nagsalita ng kung ano man si kuya, niyakap nya lang ako.
"S-Sorry kuya.. hindi nanaman ako nag-isip.." Ako.
"Sshh.. Tama ang ginawa mo. Gawin mo kung anong tama. Itama mo kung anuman ang nagawa mong kamalian. Nandito lang ako kung kailangan mo ng tulong ko. Nandito lang ang kuya." Sambit ni kuya habang nakayakap sa akin.
AAAHHHHHH! akala ko magagalit sya.
Pero hindi .. huhu kuya ..
_____________
YOU ARE READING
The Three Popular Boys In Our Campus Are My Ex's [COMPLETED]
RomanceIceah Naomi Guevarra Torres has three ex-boyfriends that happened to be friends and her very strict brother's friends, too.