"Mama..."
Hindi ko maigalaw ang kanang braso ko.
Ipinalibot ko ang aking paningin sa paligid. Napakadilim, hindi na rin malinaw sa akin kung papaano ako napunta sa lugar na ito.
I need to find Mama,
"M-Mama? Nasaan ka, Mama?" Paulit-ulit akong sumisigaw upang tawagin siya ngunit wala ring sumasagot.
Napatingin ako sa aking suot, halos mapuno na ito ng kulay pulang likido. May mga butas na rin dahil sa ilang daplis na aking tinamo.
Hindi ko maintindihan...bakit sinugod nila kami? Bakit nila kami sinasaktan? Magkakakampi kami!
Aray ko, bwiset na 'yan.
Napatid pa ako sa isang bato dahilan para matumba ako. Pesteng bato 'to, haharang-harang.
"Nasaan na 'yong bata? Hanapin niyo!"
"Bakit ako?!"
"Sabi ko, niyo, 'di ba?"
"Ay, oo nga. Hihi."
Nagtago ako sa isang tambak ng kahoy-na amoy basura-bago ako naglabas ng patalim.
Malamang ay sila ulit 'yon. Natakasan ko sila kanina dahil wala silang kwentang magbantay. Alam na alam ko kung anong balak nilang gawin sa akin, ngunit ang hindi ko alam ay kung bakit ginagawa ng buong angkan nila ito sa amin.
Nang marinig ko ang papalapit nilang yabag ay umatras ako. Inaamin ko, natatakot ako. Sa isang batang tulad ko, hindi ko kakayanin ang makipaglaban sa tulad nilang malalaki ang katawan. Para na rin akong ipis na nakipag-away sa isang usang gurang.
Nagsisimula nang humapdi lahat ng sugat ko. Ni-hindi ko man lang naramdaman ang sakit ng mga ito kanina. Siguro ay dahil abala ako sa planong pagtakas.
"Wala yata siya rito, doon tayo sa kabila. Dalian niyo!"
"Oo nga, lagot tayo kapag nakatakas 'yon!"
Nakatakas na nga, eh. May utak ba kayo, ah?
"Argh." Napadaing ako nang humapdi ang tagiliran ko sa ginawa kong pagtayo. Nakalimutan kong may daplis nga pala ako banda ro'n.
~
Halos mag-iisang oras na akong naghahanap ng mga kasama ko. Hindi ko sila mahanap! Maging si lolo, hindi ko makita.. kahit man lang sana si mama.
Nasaan na ba kasi kayo? Natatakot na ako...
Nagsimula nang umagos ang maiinit kong luha mula sa aking mga mata. Natatakot akong mag-isa. Gusto ko nang makita kahit man lang si mama..kahit siya lang, ayos na ako..
Napasinghap ako nang may tumamang kung ano sa likod ko. Nang hugutin ko 'yon ay nalaman kong isa 'yong patalim.
May umitsa sa akin..
Kabado man ay tumingin ako sa paligid. Wala akong ibang makita maliban sa mga bangkay ng tulad kong mandirigma. May mga naghihingalo na, hirap na hirap na sa paghinga.
Ngunit nasaan ang umitsa sa akin?
Habang inililibot ko ang paningin ay nagsimula nang dumilim.. Lumalabo ang aking paningin, hindi ko maintindihan. Nakararamdam na rin ako ng pagkahilo, para akong masusuka-hindi ko maipaliwanag ng maayos. Magulo.
Hanggang sa matigilan ako. Teka...
L-Lason..?
Galit akong tumingin sa paligid. Parurusahan ko kung sino man ang may gawa nito!
"Nasaan ka?! Magpakita ka, taksil!"
Ilang segundo lamang ang lumipas at may napansin na akong papalapit galing sa madilim na parte ng lugar kung nasaan ako.
Tama ako!
Sinamaan ko siya ng tingin. "Bakit niyo 'to ginagawa? Magkakakampi tayo, bakit biglang naging ganito?!"
Natawa siya ng sarkastiko. "Magkakakampi? Tama ba ang pagkakarinig ko?" Ngumisi siya. "Kung kakampi niyo kami, hindi niyo kami ituturing na parang mas mababa pa sa isang pulubi."
"Hindi kita maintindi-"
"Talagang hindi mo maiinti-!"
"'Wag mo 'kong puputulin sa pagsasalita, sasapakin kita!" Inis kong sigaw. Putulin ko ulo mo, eh. "Kahit kailan ay hindi namin kayo itinuring na ganiyan."
"Sinungaling!" Naglabas siya ng patalim. "Napakaraming kasalanan ng buong angkan niyo-pati na ng Lolo mo-sa angkan namin!"
Hindi na niya ako hinintay pang makasagot. Agad siyang sumugod at dahil nga nanghihina ako ay huli na para makaiwas ako.
Sinaksak niya ako sa balikat, may pinupuntirya.
Kahinaan...
"Ah!" Naitulak ko siya ngunit hindi siya natinag, lalo pa niyang idiniin ang patalim sa aking laman.
"Dapat lang sa 'yo ang ginagawa ko, Xinn."
Dahan-dahang nagsilabasan ang aking mga luha. Malungkot akong napatitig sa kaniyang mga mata..
"B-Bakit?" Humikbi ako. "Tama na..pakiusap, tama na.."
"Ganito pala ang pakiramdam kapag gumaganti." Tumawa siya ng malakas. "Ang saraaaap! Ang sarap-sarap makita ng ekspresyon ng iyong mga mata kapag nasasaktan ka!"
"M-Masakit..." Nagmamakaawa na ako ngunit hindi siya nakikinig.
Mas lalo niyang idiniin ang patalim, doon ay tuluyan na akong napasigaw sa sakit na hindi maipaliwanag.
Dahan-dahang akong nanghina, nakangisi niya akong pinanood na tuluyang bumagsak.
Muli siyang lumapit at sinaksak ako sa dibdib, sunod ay sa tagiliran, sinaksak niya ako maging sa mismong tiyan. Tuwang-tuwa siya habang nakatitig sa mga mata kong unti-unting nawawalan ng emosyon.
"Ganiyan nga, Xinn...Ipakita mo sa akin."
"T-Tama na..." Halos pabulong na lang nang iusal ko ang mga katagang 'yon. "T-Tumigil ka n-na..."
Hinang-hina na ako. Ang hirap. Ang sakit-sakit dahil ang mismong gumawa sa akin nito ay isang taong malapit at espesyal sa akin...
"....k-kuya,"
YOU ARE READING
Living For Revenge
Mystery / ThrillerWar. Furious. Death. Live. Revenge. War. Blood. Explosion. Death.