Chapter 42
Range's PoV:
Tahimik lamang kaming nakatitig kay White na natutulog ngayon sa sofa. Nandito kami sa bahay niya.
Yes, sa bahay niya. Kasama namin ang mga kaibigan niya. Sina Heli, Rian, John Paul, Vien, at syempre si Yumi.
"M-Magsabi nga kayo ng totoo."
Napatingin kami sa kaibigan ni Xinn na si Heli. Nangingilid ang luha niya at nakakuyom ang mga kamao habang nakababa ng tingin.
"Anong koneksyon niyo kay Ize? May koneksyon ba kayo sa k-kaibigan ko?" Deretsahang tanong niya.
Natahimik kami lalo.
"I-Is...Is she---" Huminga ng malalim si Yumi, nanginginig ang mga labi. "W-What's her real name? I wanna know, please, tell me..."
"Lexine." Sagot ni Light. "Her name was Lexine."
Tahimik lang kami. Ayaw naming pangunahan sa pagpapakilala at pagsasabi ng totoo si Xinn.
"Just tell me the truth!" Biglaang sigaw ni Yumi. Sa gulat ko ay napahawak pa ako sa dibdib. "Simula nang magkakilala kami, wala siyang ginawa kundi kumalma kahit na ang dami kong ginawang masama sa kaniya! Ang then one day, we became friends. After that, someone tried to save me from my parents, sabi niya hindi siya 'yon." Nangilid ang luha niya. "Tell me, is she the one who've been helping me? Kasi tumulong lang 'yong taong 'yon simula nang mangako si Ize sa akin. Nangako siya na makakalaya na 'ko sa puder nila." Tuluyang nagsiagos ang kaniyang mga luha. "Sinabi niya pa sa akin na hangga't hindi pa nakukulong ang mga umampon sa akin," Sinamaan niya ng tingin ang mag-asawang Florida na itinali namin ng magkatabi sa sahig. "Puwedeng-puwede raw akong tumira rito sa house niya. But I declined her help since those parents of mine told me that they'll take care of me na, at they'll never abuse me ever again." Pinunasan niya ang mga luha na bumasa sa kaniyang pisngi. "A-And also," Tiningnan niya kami nina Dark, Sky at Light. "Anata wa subete onajimidesu."
Napangiti ako ng palihim. Nakahinga ako ng maluwang. Finally...
"Yumi," Tinawag siya ni Sky. "Let's talk about this later."
"Yeah," Segunda ni Dark. "These motherfuckers needs to be in jail now. We have to accompany them. All of them."
Ang mga tauhan ng mag-asawang Florida ay kinulong muna namin sa bodega ng bahay ni Xinn. Tinatanong niyo ba kung sinong nagturo sa amin no'n? Si Light mismo.
Sheeesh.
Dito namin itinali ang mag-asawa sa sala para interogahin. At ngayong naalala ko na, uumpisahan na namin.
"Let's ask these parents of yours, Yumi." Nakangiwi akong nag-quote sa hangin nang banggitin ko ang apat na nahuling mga salita. Lumapit kaming mga naka 'costume' sa mag-asawa at nagsimula nang magtanong. "Target niyo ba mismo si Lexine Raize Ranzona?"
Sinamaan ako ng tingin ni Mr. Florida. Binaba ko ang tali sa bibig niya para makapagsalita siya.
"At bakit ko sasagutin ang tanong mo?!" Asik niya kaagad.
"Kasi tanga kayo masyado at siya pa mismo ang kinalaban niyo." Sagot ko in a matter of fact.
"Wala na tayong kawala kaya sagutin na lang natin sila." Mahinahong sambit ng asawa niya. "The truth is, meron kaming pinagtatrabahuan. Inampon namin 'yang babaitang 'yan para sa sarili naming kapakanan." Aba, umirap pa. Pasalamat ka at tulog si Xinn, kundi baka tanggalin niya bigla mga mata mo. Tsk, tsk, tsk. Irapan daw ba si Yumi? "Hirap na hirap kaming palaguin ang kompanya namin pero kahit gano'n, tumutulong kami sa mga orphanage dahil naaawa kami sa mga bata."
YOU ARE READING
Living For Revenge
Mystery / ThrillerWar. Furious. Death. Live. Revenge. War. Blood. Explosion. Death.