Chapter 2

64 8 8
                                    

Ikalawang Kabanata

Lexine's PoV:

"Ano? May dala ka bang extrang damit? Kung wala pahihirami-"

"Meron." Putol ko sa sasabihin niya.

Hindi ko alam kung anong dahilan pero may bigla na lang nambato sa akin ng lobo na may lamang mapanghing likido. Ano bang ginawa ko't binato ako? Eh, nagbabasa lang ako ng libro!

"Ang panghi mo na, pasok ka na sa loob, magbihis ka na!"

Matapos kong magbihis ay humarap ako sa kanila. Hawak ni Rian ang libro kong...mapanghi at basa na.

"Uhm, ano...papalitan ko nalang itong libro mo, Ize." Kinagat niya ang labi at nahihiyang ngumiti sa akin.

"Hindi na, ayos lang."

"P-Pero kasi...sabi ni Heli, favorite mo 'to-"

"Hindi mo kasalanan, wala kang papalitan." Seryoso kong sambit.

Hindi naman niya kasalanang binully ako no'ng mga 'yon, eh. Sinisisi niya ang sarili niya dahil hindi niya kami naipagtanggol sa pangalawang araw namin rito sa school nila. Nahihiya siya, panigurado.

"Oo nga, Rian. Hayaan mo na, marami pa naman siyang libro."

Habang naglalakad kami sa hallway papuntang room ay sinalubong kami ng isang babae.

"Rian!" Ngumiti siya. "A-Ah, good morning!"

"Ashly, good morning!" Nagbeso silang dalawa ni Rian. "Bakit hindi ka pumasok kahapon?"

"May emergency kasi sa bahay..."

"Ah, nga pala, Ashly, si Heli at Ize. Beshies, si Ashly, bestfriend ko!" Ipinakilala niya ang kaharap namin.

Tinitigan ko siya ng mabuti. Maputla ang kutis at itim na itim ang hanggang balakang na buhok niya. Pwede siyang gumanap na Sadako. May bangs nga lang.

"Nice meeting you, Ashly!"

~

Tahimik lang akong nagbabasa ng isa sa mga librong dala ko habang hinihintay ang advicer naming kinse minuto nang late.

Mabuti na rin 'yon, tinatamad akong makinig sa lessons ngayong araw dahil badtrip ako, eh.

Maya-maya pa ay biglang umingay. Nagsimulang magtilian ang mga babaeng kaklase namin. Ewan ko ba. Para silang mga pusang sinasakal na ewan. Ang titinis ng boses, makakabasag na yata ng salamin.

"Gosh, look at them!"

"Kyaaaah! Hello!"

"Ang cute no'ng nasa gitna, sis!"

"Shesh! That one looked so serious, he's my type!"

Nagsalubong ang kilay ko dahil sa mga naririnig kong bulungan.

Malamang ay dumating na 'yong mga transferee'ng pinag-uusapan nila kahapon. 'Yon daw mga pogi, kaya nila hinihintay. Ka-ek-ekan.

"Nandiyan na sila?" Dinig kong bulong ni Heli kay Ashly.

"Oo! Hala, ka-excite! Kaklase natin sila!"

Naglakad papunta sa harap si Rian, nakangiti niyang sinalubong sa pagpasok ang professor namin kasunod ang tatlong lalaki.

Living For RevengeWhere stories live. Discover now