Chapter 8

38 5 6
                                    

Chapter 8

Trex's PoV:

"...don't kill me, please..."

Pinigilan ko ang maluha sa takot habang kaharap ko siya.

Napasinghap ako nang tuluyan niyang dakmain ang aking leeg, sinasakal ako ng mahigpit. "B-Boss...ah!"

Humihigpit ng humihigpit ang pagkakahawak niya sa akin. Sinubukan ko siyang itulak ngunit hindi siya natitinag.

Mas matanda man ako at mas malaki ang pangangatawan kaysa sa kaniya, mas malakas pa rin siya kaysa sa akin.

"Y-You...k-killer.." Dinig kong aniya, bumubulong.

Umiling ako ng umiling. "B-Boss...ako 'to, si T-Trex..boss, please..."

Pilit kong ipinakikilala ang sarili ko ngunit para siyang walang tenga na hindi man lang naririnig ang lahat ng sinasabi ko.

"A-Ako 'to..." Halos pumiyok ang boses ko dahil sa matinding takot na bumalot sa buong katawan ko.

Ito ang ayaw na ayaw kong mangyari. Ilang beses ko siyang iniintindi para lamang hindi siya umabot sa ganitong estado ngunit hindi pa rin kinaya ng sistema niya. May kumkuntrol sa alaga ko kaya nagkakaganito siya.

Naiawang ko ang aking labi at sa ganoong paraan ko pinilit na humagilap ng hangin upang makahinga ng maayos ngunit hindi pa rin 'yon epiktibo, walang nangyari.

"H-Ha...b-bitiwan mo-" Paulit-ulit ang ginawa kong paglunok habang patuloy pa rin sa pagtulak sa kaniya. "-Raize.."

Hinang-hina na ako at malapit nang bumigay ngunit nabigla ako nang bigla niya akong bitiwan bago siya napasigaw na parang nasasaktan.

"M-My eyes-AHHH!" Bumagsak siya sa sahig habang nakahawak sa kaniyang mukha, tinatakpan ang mata. "It hurts...."

Gusto ko man siyang lapitan ngunit hindi ko na ginawa. Masyado pang delikado ang sitwasyon. Baka ikamatay ko kung sakaling ituloy ko ang binabalak ko.

Ito ang kinatatakutan ko sa lahat, ang mga mata niya. Palagi 'yong walang emosyon ngunit nagiging delikado t'wing nasa isang sitwasyon na siya lang mismo ang nakakaalam.

Ganito ang nangyayari t'wing nasosobrahan siya sa galit at pag-iisip. Isa ito sa katangian na namana niya sa lahi niya. Hinding-hindi niya na ito mababago pa.

Gusto ko na siyang lapitan at aluhin para maibsan ang sakit na kaniyang nararamdaman ngunit ipinagbabawal na siya'y lapitan t'wing dumadating ang sitwasyong 'to.

Kaya niyang gawin 'yon sa kahit na sino...

"M-Mom...it h-hurts..mom.."

Tulad ng dati ay ganoon ulit ang dinadaing niya t'wing nangyayari sa kaniya ito. Wala siyang ibang kilala maliban sa kaniyang ina t'wing dumadating ang sitwasyong ito.

Maging ako ay nakalilimutan niya...

"R-Raize...mawawala ang sakit kapag tuluyan ka nang h-huminahon." Lumunok ako at humakbang ng isang beses palapit sa kaniya.

Dumagundong ang kaba sa buong katawan ko, nagsitaasan lahat ng aking balahibo nang bigla ay mag-angat siya ng tingin sa akin.

"W-Who...are you?"

Tulad ng inaasahan ay hindi niya nga ako kilala.

Pinilit kong ngumiti ngunit alam kong nakabalatay pa rin sa aking mukha ang kaba at takot. "K-Kaibigan mo 'ko..."

Living For RevengeWhere stories live. Discover now