Chapter 32

34 5 4
                                    

Chapter 32

Range's PoV:

Lahat kami ay nakatulala lang sa kaniya matapos niyang ikwento ang nangyari. Base sa hitsura ng mukha niya, parang wala lang ang ginawa niya sa mga black ninjas.

That's brutal!

Nagkatinginan kaming lahat. Alam kong pare-pareho kami ng iniisip.

Hindi ganito noon si White. Masyado siyang mabait para pumatay ng ganoon kabrutal.

Huminga ako ng malalim bago tumingala ulit kay White. "You said you just killed someone. But they are not just someone!" Paasik kong sambit. Hindi ko siya kayang sigawan. Gustuhin ko man, parang nangingilabot pa rin ako dahil sa mga ikinuwento niya kanina.

Ang malamig niyang tingin ay dahan-dahang nag-angat deretso sa akin. "So?"

"White, may natira ba?" Tanong ni Moon. "Kailangan natin sila."

"None." Aniya. "But I have someone who knows about them. I'll kill him later."

Pinilit naming kumalma kahit na paulit-ulit kaming natigilan sa mga salitang binabanggit niya.

"Another black ninja?"

"Nah."

"Normal person?"

"Mm." Pinaglaruan ng mga daliri niya ang isang shuriken. "I can't kill him, he's innocent. But I would love to if ever he doesn't want to answer any of my questions."

"White," Pinakatitigan siya ni Light. "How can you be this brutal?" Kahit siya ay nagulat sa nalaman.

"I'm a demon. An evil dragon. A merciless warrior. Want more complimenting words?" Aniya bago tumayo. "I'll just call someone. I'll ask him if he already cleaned the mess I made earlier."

Pinanood namin siyang makalabas ng pinto. Matapos niyon ay 'saka kami nagsilapitan sa isa't-isa. Balak nang mag-usap-usap nang biglang sumilip si White sa may pintuan.

"I could hear you, just so you know." Sambit niya, malalim ang tingin. "Kapag may narinig akong hindi ko nagustuhan, I'll kill you all."

Paglabas niya ay nagkatinginan kaming lahat bago kami sabay-sabay ulit na napaupo, sapo-sapo ang noo. Ako? Parang hindi ako makahinga ng maayos kanina habang inaamin niya sa amin ang ginawa niya.

Hindi ko inaasahang ganito kalaki ang magiging pagbabago sa katauhan niya.

Alam ko rin na hindi siya nagjojoke na papatayin niya kami kapag may narinig siyang sinabi namin na hindi maganda.

Hindi naman siya ganito no'ng nakaraang bumisita siya. Siguradong dahil sa nangyari sa pagitan nila kanina ng mga black ninjas. Napikon siguro siya dahil hindi pumunta ang inaasahan niyang kalaban.

"So..." Huminga ako ng malalim at nag-angat ng tingin sa kanila. "Anong masasabi niyo sa ginawa niya?" Tanong ko.

"Brutal." Sabay-sabay nilang sagot, maliban kay Light. "But cool." Biglang bawi nila, pasulyap-sulyap sa may pinto.

"No, that was..." Marahas na napabuga ng hangin si Light. "...too much."

Tumabi sa kaniya si Dark at 'saka siya inakbayan. "Just let her, Light." Aniya. "Let's just think what we are gonna ask to that motherfucker man White caught."

Mukha lang mahinahon si Dark pero alam kong takot na rin 'yan.

"Kailan tayo pupunta? Saan nga ba siya kinulong ni White?" Tanong ni Moon habang inaayos ang tabing.

Living For RevengeWhere stories live. Discover now