Chapter 25

24 5 1
                                    

Chapter 25

Lexine's PoV:

"Oh, Ize, tara na! Malapit nang mag 5pm, oh. Dadating na si White!" Pinigilan ako ni Heli sa akmang pag-alis.

Kanina ko pa 'to napapansin sa kanila.

Binabantayan nila ako.

"Bili muna tayo ng kwek-kwek habang naghihintay. Tara, ambagan!" Aya ni Vien,

Nagbigayan sila, tig-40 pesos. Hanggang sa tumingin sila sa akin.

"Wala ka pa rin bang ipon, Ize?" Tanong ni Heli. "Kahit 20 pesos lang, bili ka miryenda mo---"

"Wala akong kapera-pera, Heli." Seryoso kong sagot. "Pang-gasolina ko na lang 'to. Marami rin akong babayaran sa bahay."

"Oh," Natahimik siya.

"But, kuya Trex looks mayaman," Ani Rian.

"Hindi ako mayaman, hindi rin ako tulad ni kuya na mukhang mapera, Rian." Tumikhim ako.

Oo, tama, hindi ako mayaman.

"Nagtatrabaho ako para may pangkain ako. Ayoko namang umasa sa kuya ko." Napangiwi ako sa salitang 'kuya'. "Dahil may pamilya na siya." Lalo akong napangiwi.

"Enough, I'll treat you na lang," Ngumiti sa akin si Rian.

"Ang yayaman niyo, nakakagulat na kumakain rin pala kayo ng ganito?" Ngumunguyang saad ni Ash.

Sinubuan ako ni Darren. Nang nguyain ko 'yon ay natigilan ako. "Kikiam 'to, ah?" Tumingin ako sa kaniya. Ngumiti siya.

"You love kiyams, right?" Tanong niya. Nang tumango ako ay lalong lumawak ang ngiti niya. "Here, try this one, too."

Itinuro niya ang kulay orange na bilog. "Ano 'yan?"

"These are called kwek-kwek, it has boiled egg inside this orange thingy."

"Ah," Ngumanga ako. "Tangina, patikim. Ahh,"

Natawa siya at agad na isinubo 'yon sa akin. Nginuya-nguya ko 'yon habang tumatango-tango.

"Masarap," Sagot ko, "Pero mas masarap 'to," Inagaw ko sa kaniya ang hawak ng plastic cup na puno ng kikiam. Napangisi ako nang malasahan 'yon. "Ahh, shit, ang sarap."

Sumama ang mukha niya.

"I told you not to moan---"

"Fuck you." Mura ko kaagad sa kaniya, narinig ko ang tawanan nina Rian sa likod.

"---because you're making my cock hard." Pabulong niyang pagpapatuloy bago kumindat.

Hindi ko siya pinansin, nang mapatingin ako sa relo ko ay napasinghal ako sa inis.

4:28 pm.

Kailangan ko nang umalis.

Kinuha ko ang phone ko at nagkunwaring nagtatype doon. "Kailangan ko nang umuwi, may emergency." Agad akong tumalikod.

"Wait, wait!" Pinigilan kaagad ako ni Paul. "What's the emergency?"

"Nag-aaway sina kuya at ate---" Umasim ang mukha ko. "---kailangan ko silang awatin."

Living For RevengeWhere stories live. Discover now