Chapter 11

32 5 0
                                    

Chapter 11

Ashly's PoV:

Tulala pa rin ako habang nag-iimpake sina mama. Maging sila ay hindi makapaniwala sa narinig kanina ngunit pinilit pa rin nilang gumalaw para makapag-ayos na.

Si tita, dumeretso agad sa bangko para mag-withdraw ng pera. Ang sabi kasi ng tumawag kanina, natransfer na raw 'yong pera sa bank account niya.

Kay tita lang kami nangutang at wala nang iba pa kaya sa kaniya lang nagbayad si miss Kori.

Napabuntong-hininga ako, pinipilit pa ring hulaan kung sino ang taong nagtatago sa pangalang 'yon.

Sigurado akong kilala ako ng taong 'yon dahil ako lang ang hinanap kanina. Ang ipinagtataka ko pa, pa'no niya nalaman ang utang namin? Paano niya rin nalaman na kay tita lang kami nangutang? Paano niya nalaman ang number ni tita?

Nakagat ko ang aking pang-ibabang labi. Paano niya 'ko nakilala?

"A-Anak..." Pinutol ng boses ni mama ang iniisip ko. Bumaling ako sa kaniya, katabi niya ang mga bag kung saan nakalagay ang mga damit namin. "H-Handa ka na ba?"

Ngumiti siya sa akin. Alam kong itinatago niya sa ngiting 'yon ang pagtataka. Paniguradong iniisip niya rin kung sino ang posibleng tumulong sa amin.

Tumango ako sa kaniya 'saka siya tinulungan sa pagbubuhat. Nasa labas na si papa, inaabangan 'yong darating raw na sasakyan.

Paglabas namin ng bahay ay agad akong napasulyap sa aming tahanan na ngayon ay iiwan na namin. Doon ako lumaki, saksi ang bahay na 'yon sa hirap at sayang pinagdaanan ng aming maliit na pamilya. Nakakalungkot dahil iiwan na namin 'yon. Kahit maliit ang bahay na 'yan, mahalaga pa rin sa akin dahil doon kami nanatili sa napakatagal na panahon.

Naramdaman ko ang pagyakap sa akin nina mama at papa. Unti-unti ay kumawala ang mga luhang kanina ko pa pinipigilang lumabas sa aking mga mata. Nagsimula akong humikbi dahilan para humigpit ang yakap nila sa akin.

"H-Hindi naman natin kailangang...l-lumipat, papa, ih.." Humikbi ako. "K-Kaya ko naman pong m-magtrabaho, mama, papa.."

"K-Kahit na magtrabaho ka pa, Lili, hindi mababayaran agad ang utang natin. Tanggapin na lamang natin ang ibinigay na tulong mula sa kung sinong kakilala mo." Pilit na ngumiti si papa.

Kaagad akong umiling. "H-Hindi ko po kilala kung sino ang may pakana ng lahat ng ito, papa."

Nagkatinginan sila ni mama. Magsasalita pa sana sila nang may marinig kaming busina. Pumarada sa harap ng bahay namin ang isang itim na van. Pormal na bumaba ang driver nito bago magalang na yumuko sa harap namin. Nang mag-angat na siya ng tingin ay ngumiti siya sa amin.

Mukha naman siyang mabait, ih. Parang 'yong awra mismo ni kuya Trex, 'yong kuya ni Ize? Gano'n mismo ang nararamdaman ko sa kaniya. Paniguradong mabait siya tulad ni kuya!

"Magandang gabi, ma'am, sir, miss." Mahinahong bati niya. "Maaari na kayong sumakay sa aking sasakyan. Iwan niyo na lamang ang inyong mga gamit at ang mga tauhan namin ang magdadala ng mga 'yan para sa inyo."

Tumango kami at sumunod. Pinagbuksan niya kami ng pinto at inalalayang pumasok. Hindi ako sanay sa ganitong sasakyan dahil minsan lang ako makasakay sa ganito, kapag inaaya lang ako ni Rian na mamasyal, ganito kasi ang karaniwang ginagamit ng personal driver niya para ihatid kami sa kung saan.

Nagsimulang umandar ang sasakyan at tahimik lang kami ng mga magulang ko. Hinaplos-haplos ni mama ang aking buhok kaya napangiti ako. Hinayaan ko silang matulog. Gusto ko rin sanang matulog dahil nakakaantok ang temperatura ng sasakyang ito. Kaso, gusto kong makita ang direksyon kung saan man kami papunta.

Living For RevengeWhere stories live. Discover now