Chapter 18

30 5 0
                                    

Chapter 18

Heli's PoV:

So, nandito kami ngayon sa garden sa likod ng house ni Ize. Nakaupo kaming lahat sa malinis na damuhan at nakapabilog.

Katabi ko si Paul-ehe. Katabi niya si Vien, katabi naman ni Vien si Darren. Sa kabilang tabi ko ay si Rian na katabi naman si Ash.

Hinahanap niyo ba si Ize? Naku, 'wag niyo nang hanapin! Talagang hindi namin siya sinama dahil siya ang pag-uusapan namin! Anyways, nandoon siya sa kwarto niya, may gagawin lang raw saglit.

Ewan ko kung anong gagawin niya doon. Hays, habang kumakain kami kanina sa sala, (oo, sa sala kami nananghalian!) may biglang sumulpot ulit na breaking news, naputol na naman 'yong movie na pinanonood namin. May nangyayaring sunog sa hindi kalayuan, bigla na lang tumayo no'n si Ize , hindi pa tapos 'yong balita. Nang tanungin namin siya kung bakit siya tumayo, sabi niya sa amin, nawalan daw siya ng gana tapos sabi niya aakyat muna daw siya sa taas, doon mismo sa kwarto niya, may gagawin lang daw siya sandali.

Pero isa't kalahating oras na ang nakalilipas, hindi pa rin siya bumababa. Hindi na namin siya inakyat sa kwarto niya, at isa pa, laging nakalock 'yon! Hinayaan muna namin para makapag-usap na kami tungkol sa paghihinala namin sa kaniya.

Yes naman, naghihinala na kaming lahat, 'no!

Siya ba si White o hindi?!

Napag-usapan na namin kanina 'yong pagkakatulad ng ugali ni Ize at White. Pati na rin 'yong pagkakapareho nila ng galing sa pakikipaglaban. Pareho rin sila ng height, kung tutuusin. Ang pagkakaiba nga lang nila ay 'yong boses at kulay ng mata. Pero baka contact lense lang 'yon, 'no!

Pareho rin silang babae, syempre! Sa boses pa lang ni White ay halata nang babae siya. Si Ize naman, babae 'yon, mukha lang lalaki, hehehehe.

"So..." Si Paul, "What will be our plan to know the truth?"

Nagtaas ng kamay si Rian habang nakangiti, ang bilis namang mag-isip ng plano nito. "I know, I know! We have to libot-libot in her house, baka may ma-see tayong kakaiba, right?"

Napatango-tango kami sa kaniyang sinabi. Pwede naman 'yong sinabi niya, pwede na 'yon.

Nagtaas rin ng kamay si Ash, para tuloy silang nagrerecite sa classroom, hay. "Ihuli nating puntahan 'yong mismong kwarto niya dahil nandoon pa siya."

Napangiwi ako at agad na umiling-iling, "As if, makakapasok tayo doon, ano? Laging locked 'yong kwarto no'n, isang beses nga lang akong nakapasok doon, eh!"

"Why does she have to lock her room, then? She's probably hiding something."

At 'ayan! Nagsalita na ang kanina pa naming tahimik na loverboy, si Darren. Mukha kasing malalim ang iniisip kaya hindi na namin ginulo't pinakialaman kanina. Syempre, pinag-uusapan namin ang lovergirl niya, baka iniisip niya na naman si Ize.

Okay, dapat daw madaldal ako sabi ni author para dagdag words.

Plano naming maglibot sa buong bahay ni Ize, kahit sa kusina 'yan, gorabels! Ang pagpaplanuhan na lang namin ngayon ay kung paano makakapasok sa kwarto niya. Triple kasi ang lock no'n sa loob. Oh, 'di ba? Halatang may tinatago! Kahit ako na bespren niya ay hindi niya sinasabihan ng sikreto. Sakit sa heart!

Pero pa'no kung mali kami ng hinila? Eh, 'di sayang 'yong effort namin? Huhu, sana naman worth it! Sana siya si White! Kyaaaa! Oh, my freaking gosh, kung siya talaga si White, pagagalitan ko siya dahil hindi niya sinabi sa akin!

Living For RevengeWhere stories live. Discover now