Chapter 14
Heli's PoV:
Napapalunok akong bumaba ng sasakyan. Nandito na ako sa parking lot ng school, sa totoo lang ay kanina pa ako nandito. Takot akong bumaba kasi baka makita ko siya.
Ayoko muna kasi siyang makita. Natatakot ako. Ilang beses na bumalik sa isip ko ang mga ginawa niya sa mga lalaking 'yon.
Balita ko nga ay nasa ospital pa rin sila, ang karamihan raw ay nalumpo. Ito ang ikinakatakot ko t'wing nagagalit si Ize.
Nawawala siya sa sarili.
Ayokong magalit o matakot man lang sa kaniya kaso sumobra ang ginawa niya sa mga lalaking 'yon. Nakakatakot siya.
Oo, ginawa niya 'yon para maipagtanggol kami at mailigtas mula sa pananakit nina Pompi, pero ayoko ng ipinakita niya. Nangako na siya sa akin na hindi na siya uulit pero...nangyari na naman. Sa pagkakataong ito ay sumobra siya.
Natatakot ako, baka kasi sampahan nila siya ng kaso.
Huminga ako ng malalim bago tuluyan pumasok sa school gate. Pilit ngiti kong binati ang guard 'saka ako nagmamadaling naglakad papunta sa building namin.
Sana ay nando'n na sina Rian at Ash para may makasama ako kaagad. At sana rin ay wala pa si Ize. Hindi ko siya kayang tingnan o harapin man lang.
"R-Rian.." Tumakbo ako palapit sa kanila, katabi niya si Ash.
Napatingin ako sa mga upuan namin. Nakahiwalay na ngayon ang isang upuan. Magkakatabi kasi kami. Katabi ko si Ize, sa kabilang tabi ko ay si Rian, katabi niya naman si Ash.
Pero iba na ngayon, mukhang hiniwalay muna nina Rian at Ash ang upuan ni Ize mula sa upuan namin para hindi na magkagulo.
"Heli," ngumiti sa akin si Ash ngunit halatang pilit 'yon.
Pagkaupong-upo namin ay nakarinig kami ng tsismisan.
Napabuga ako ng hangin dahil pinag-uusapan na nila ngayon ay kabrutalang ginawa ni Ize kahapon.
Karamihan ay mahihimigan ang takot sa kanilang boses. Ang iba ay magsisisi dahil sa ginawa nilang pambubully noon kay Ize. Mukhang natatakot na sila dahil baka balikan sila ni Ize at parusahan 'gaya ng parusang ipinataw niya sa mga tauhan ni Yumi.
Napatingin ako kay Rian nang hawakan niya ang kamay ko. Kitang-kita ang pag-aalala sa kaniyang mukha. Nagtaka ako kaagad ngunit nawala rin ang pagtataka ko nang sabihin niya ang dahilan ng kaniyang pag-aalala.
"Uhm...kinausap ako ni principal.." panimula niya, lumulunok. "He wants to talk about what happened kahapon. He wants to meet Ize raw, Heli..."
Natigilan ako at kaagad na kinabahan. "A-Alam ba ito ni Ize?"
Umiling sila. "Hindi raw kasi nila ma-contact si Ize. Wala raw sa files na binigay ninyo 'yong number niya. Wala ring nakalagay sa parents, ih. Kaya hanggang ngayon, hindi pa alam ni Ize." Sagot ni Ash.
Napabuntong-hininga ako. Natatakot ako at kinakabahan dahil baka i-expell nila rito si Ize. Ayokong mangyari 'yon dahil kawawa siya kapag nagkataon. Wala siyang pambayad sa ibang school para makapasok siya.
Tinulungan lang siya ni daddy kaya nakakasama ko siya lagi sa mga school na mamahalin. Hindi niya kasi kayang tustusan ang mga 'yon.
Sakto namang dumating na sina Vien at Paul, himala at hindi nila kasabay ngayon si Darren. Dati kasi, lagi silang sabay-sabay na pumapasok, eh.
"Bakit kayo lang? Where's Darren?" Takang tanong ko.
"Oh, he's...uhm," Tumikhim si Paul. "He's with Ize..."
YOU ARE READING
Living For Revenge
Mystery / ThrillerWar. Furious. Death. Live. Revenge. War. Blood. Explosion. Death.