Chapter 23

30 5 1
                                    

Chapter 23

Lexine's PoV:

Dragon..

White Dragon..

My Dragon..?

'Hay, deputa.'

Nakanguso akong bumangon at tumambay na muna sa teresa ng aking kwarto.

Sino bang gago 'yon?

Ah, baka fan ko tapos nagcostume.

Para akong tangang tunatango-tango rito, kinakausap ang sarili ko.

Kaso, tangina, pamilyar 'yong mata, eh.

Lalong sumama ang mukha ko nang maramdaman ko ang pagkulo ng tiyan ko.

Kailangan ko ulit ng kikiam.

Dali-dali akong lumabas at bumaba ng hagdan 'saka ako nagmamadaling tumakbo papunta ng kusina.

Hmm, kikiam kong mahal.

Umawang ang labi ko nang makitang wala na akong stock ng frozen kikiam sa refrigerator!

Walang kwentang ref! Tangina mo.

Para akong nanghina dahil nanginig ang tuhod ko bago ako dahan-dahang napaupo.

Kikiam ko...

Ah, bibili na lang ako.

Nakangisi akong tumayo ulit 'saka ako lumabas, pasipol-sipol pa. Mabuti nga at may pinakamalapit na convenience store rito sa barangay namin, eh. 24/7 ding bukas.

Pero talagang pasasabugin ko tindahan niyo kapag wala akong nabiling kikiam.

Habang naglalakad ay bigla na lang may kotse na tumigil sa tabi ko, napaubo pa 'ko sa usok na galing sa tambutso no'n.

Bumukas ang pintuan ng driver seat at lumabas ang---hay.

"Ano na namang ginagawa mo rito?" Inis kong tanong.

"Good evening, baby." Nakangiting bati niya. "I was about to go to your house but fortunately, I saw you walking here---wait, where are you going? It's already dark." Kumunot ang noo niya.

"Bibili ng kikiam."

Unawang ang labi niya at napailing-iling. "You came out of your house just to buy some kiyams? Damn, baby." Aniya, natatawa. Umikot siya at binuksan ang pinto sa passenger seat, kinuha niya ang paper bag doon bago ibinigay sa akin. "Luckily, I bought some from that store." Turo niya sa tindahang pupuntahan ko sana.

Lumiwanag ang mukha ko nang makitang napakarami niyang binili. Agad ko 'yong inagaw sa kaniya na ikinagulat niya.

"Woah, fast hands."

Hindi ko siya pinansin at tumalikod na lang. Mawala na lahat, 'wag lang ang kikiam.

Habang naglalakad ako ay biglang may tumigil ulit na sasakyan sa tabi ko.

"Hop in."

Hindi na ako nagreklamo pa at sumakay na lang dahil tamad rin naman akong maglakad.

"Uhm, can I sleep here tonight?" Nasa boses niya ang pakikiusap nang makababa na kami ng sasakyan niya.

Hinarap ko siya bago ako bumuntong-hininga. "Bakit ba?"

"I just want." Ngumiti siya.

"Ah, okay." Nginiwian ko sila. "Layas." Malakas kong isinarado ang pinto at nilock 'yon 'saka ako nagtatatakbo papasok sa kusina.

Living For RevengeWhere stories live. Discover now