Chapter 37

21 3 2
                                    

Chapter 37

Third Person's PoV:

Sabay na yumuko ang mag-asawa nang makita ang pagpasok ng mga taong 'yon sa kanilang tirahan.

Pilit na ngumiti si Dalia nang mag-angat ng tingin. "Why are you here all of the sudden? Hindi tuloy kami nakapaghan---"

"We'll make it fast, Mrs. and Mr. Florida," Sumeryoso ang nasa pinakaharap. Tahimik lamang ang mga kasamahan nito sa kaniyang likod. "She wants you dead."

Nanlamig ang mag-asawa dahil sa narinig. "P-Pardon?"

"The Boss wants the two of you dead." Ulit nito.

"W-W-Why?" Napasulyap si Ernie sa asawa. "We did all of her orders without complaining. Why---"

"You broke a rule, Mrs. Florida." Bumaling ito sa asawa ni Ernie na si Dalia. "Also, she wants to ask how many times you hurt miss Yumi."

Lalong napaatras sa takot ang dalawa, hindi alam ang isasagot. Uulitin pa sana ng kaharap ang sinabi nang magsimulang mag-ingay ang phone nito sa bulsa. Nang makitang siya 'yon ay agad nito 'yong sinagot.

"Good eveni---...clear, Boss." Anito bago may pinindot. "The Boss is in loud speaker."

Napapalunok na napatitig sa hawak niya ang mag-asawa bago ang mga ito nagsalita. "G-Good evening---"

[You hurt her countless times.]

Nagsimulang magsitayuan ang balahibo ng dalawa. Nangilid ang luha ni Dalia at nagsalita.

"W-W-We didn't hurt her---"

[One more lie, you'll die.]

"I-I..." Napatingin siya sa asawa, nanginginig na. "H-Hindi namin 'yon magagawa sa kaniya. M-Mahal na mahal namin si Yumi---

Mapasigaw ang dalawa nang may tumamang bala ng baril sa paso sa lamesa na nasa tabi nila. Nabasag 'yon at gumawa ng malakas na ingay.

"---OH, GOD!"

Nanatiling tahimik ang may hawak ng phone pati na ang mga kasamahan nito. Ang totoo niyan, maging sila ay nagulat ngunit hindi nila 'yon ipinahalata o ipinakita. Pare-pareho silang nagulat sa katotohanang narito lamang sa paligid ang kinatatakutan nila.

Kinatatakutang hindi kilala.

[Truth or---]

Muling umalingawngaw ang malakas na tunog na 'yon na nanggaling sa isang baril. Sa pagkakataong ito ay tumama naman 'yon sa sahid malapit sa paa ng dalawa. Muli silang mapasigaw sa takot. Ang babae ay tuluyan nang napaluha habang yakap siya ng kaniyang asawa.

[---die.] Napakalamig ng boses nito. Kalmado sa pandinig ngunit kung palalalimin ang pag-intindi ay mapapansin ang nakakakilabot na tinig. [Choose.]

"S-Sorry, sorry, please, sorry." Humikbi ang ginang. "Please, don't kill us. Don't, p-please!"

[I gave you money. Millions.] Panimula nito. Tumahimik ang lahat. Tanging hikbi lamang ng ginang ang maririnig. [Yet you still broke a very important rule.]

"H-Humihingi kami ng t-tawad. W-We'll do anything... J-Just, don't hurt us. D-Don't kill us.." Nasa boses ni Ernie ang pakikiusap. Panay ang lingon niya sa paligid.

[I just want you to take care of her while I'm away and what did you do?] Nakarinig sila ng pagkasa ng baril mula sa kabilang linya. [You hurt her. How many times? Countless.]

Living For RevengeWhere stories live. Discover now