Chapter 27

35 3 1
                                    

Chapter 27

Heli's POV:

Nakanguso akong yumakap kay daddy. Natawa siya nang makita ang nakabusangot kong mukha.

"Why are you frowning, little pie?" Kinurot niya ang parehong pisngi ko, pinanggigilan niya 'yon habang nakasimangot ako.

"Kasi naman, daddy!" Lalong humaba ang nguso ko. "Nakalimutan mo 'yong pinabibili kong ipanreregalo kay Ize! Hmp."

Tinawagan ko siya no'ng nakaraang linggo. Sabi ko sa kaniya, bumili siya ng mamahaling relo para kay Ize!

Medyo luma na kasi 'yong relo niya pero gumagana pa naman.

Natigilan siya, parang narealize niya nga ang kasalanan niya. "Oh..." Tumango-tango siya. "Don't worry, little pie. We'll go shopping tomorrow, we'll buy some gifts for your best friend." Ngumiti siya.

Huminga ako ng malalim bago nahiga sa sofa at ginawang unan ang mga hita na daddy.

"Sigurado ako, nakalimutan na naman niya ang birthday niya." Malungkot akong nag-angat ng tingin kay daddy. "She's always like that, daddy."

Ngumiti siya at sinimulang haplusin ang buhok ko. "We'll surprise her tomorrow night, little pie. We'll celebrate her birthday."

Napaisip ako. 18 year old na si Ize. Bukas ay magiging 19 na siya.

"I wonder, daddy," Muli akong tumingin sa kaniya. "She'll be turning 19 tomorrow, did she even celebrate her debut last year?" Tanong ko na para bang alam niya rin ang sagot.

Napabuga siya ng hangin. "We both don't know, little pie. She's not in her house that day. Ni-hindi nga siya nagpaalam sa atin, hindi ba?"

Tama siya. Naghanda ako noong araw na 'yon, bumili pa ako ng cinema tickets para sa aming dalawa. Pero, pagpunta ko sa bahay niya ay nalaman ko kay kuya Trex na umalis siya. Ayaw rin namang sabihin sa amin ni kuya kung saan siya pumunta. Sabi niya ay nagbakasyon raw muna ito at kinabukasan ng gabi uuwi.

Hindi ko tuloy alam kung nag-celebrate ba talaga siya ng birthday niya o hindi.

Ang totoo niyan ay ginagawa ko ang lahat para mapasaya siya. Kahit laging walang emosyon ang kaibigan kong 'yon ay alam kong malungkot siya, base 'yon sa nakikita ko sa kaniyang mga mata, maging sa mga kilos niya.

T'wing sasapit ang kaarawan ni Ize ay para siyang pipe na hindi nakakapagsalita. T'wing sasapit ang araw na 'yon ng kapanganakan niya ay mapapansin talagang malalim lagi ang iniisip niya.

Noong tanungin ko siya kung bakit hindi siya masaya t'wing kaarawan niya ay malalim ang isinagot niya.

"Walang dahilan para magsaya ako t'wing sasapit ang kaarawan ko. Ayoko. Ayoko nang maalala lahat ng 'yon."

Nakagat ko ang pang-ibaba kong labi. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin maintindihan ang punto niya sa sinabi niyang 'yon.

Hanggang ngayon rin ay ayaw niya pa rin na magsaya sa birthday niya. Tinatanggap niya naman ang mga regalong ibinibigay namin sa kaniya. Akala ko nga, matutuwa siya sa ganoong, ih. Hindi pala.

Kahit kasi ilang regalo ang ibigay namin sa kaniya ay kahit kaunti, hindi pa rin siya ngumiti. Nagpapasalamat siya, oo, pero seryoso ang mukha. Ayos lang naman sa amin 'yon ng family ko dahil sanay na kami sa ganoong ugali niya.

Sanay na kami sa malamig na pakikitungo niya. Ganoon rin naman siya simula no'ng makilala ko siya.

Pero napapaisip ako, ano kaya ang nangyari sa nakaraan niya at ganoon siya kung umakto?

Living For RevengeWhere stories live. Discover now