Chapter 38

16 3 4
                                    

Chapter 38

Heli's PoV:

"Shh, she's gonna be okay. She's a strong woman." Pag-aalo sa akin ni mommy.

Kanina pa ako umiiyak dito sa labas ng OR, ilang oras na kasi ang nagdaan pero hindi pa rin lumalabas ang doktor na nag-oopera ngayon kay Ize!

Kumpleto kami ritong magkakaibigan dahil pagkatapos kaming tawagan ni Darren, nasisugod agad kami.

Kung tinatanong niyo kung nasaan si Darren, nakaupo siya sa sahig, nakasandal sa pader na nasa tabi ng pintuan ng OR. Kanina pa siya tahimik na umiiyak, yakap-yakap niya ang tuhod niya. Kanina pa nabendahan ang daplis niya sa may balikat. Sa ngayon, parang wala siya sa sarili.

Kanina pa niya sinisisi ang sarili niya pero wala namang may kasalanan.

Si kuya Trex ay nandito rin. Mugto ang mga mata niya pero hindi na siya umiiyak ngayon. Tahimik lang siyang nakasandal sa pader at parang malalim ang iniisip.

"Bakit kasi ganiyan si Ize, eh!" Inis kong pinunasan ang luha ko ngunit patuloy pa rin 'yon sa pagbagsak. "Hindi niya alalahanin ang sarili niya! Lagi na lang kami ang inuuna!" Napatakip ako ng mukha bago ako napahagulgol.

"Diyos ko, iligtas niyo po si Ize.." Humihikbing bulong ni Ash, magkatabi sila ni Rian na umiiyak rin.

Sina Paul at Vien ay sinusubukang aluin ang kaibigan nilang si Darren ngunit hindi sila nito pinapansin.

"It's all my f-fault.." Dinig na dinig namin ang paghikbi niya. Nakakahawa siya kapag umiiyak, maiiyak ka rin.

"Bro, it's not your fault, okay? Those bastards are at fault, not you."

"I agree, I agree."

Tinapik nila ang balikat nito bago sila lumapit sa amin nina Mommy at Daddy. Umupo sila sa bakanteng upuan malapit sa amin.

11:54pm na. 5pm raw nangyari ang barilan at magsi-6pm na no'ng madala ng ambulansya si Ize dito.

Sana ligtas nag kaibigan ko dahil hindi ko talaga alam kung anong magagawa ko!

Napatayo ako kaagad nang makitang bumukas ang pintuan ng OR. At dahil nga katabi lang niyon si Darren ay siya ang pinakaunang nakalapit.

"H-How is she?" Tanong niya kaagad. Kitang-kita ko pa ang panginginig ng mga kamay niya.

Tumabi ako sa kaniya. "K-Kamusta na po si Ize, doc?"

"I have a bad and a good news." Huminga siya ng malalim. "The good news is she's now stable." 'Saka siya bumuntong hininga. "The bad news is we're not yet sure when will she wake up or..." Nag-angat siya ng tingin. "...maybe, she won't wake up anymore.."

Nanginig ako sa takot. Muntik pa akong bumagsak, mabuti na lamang at nasalo ako ni Paul. Napatakip ako sa aking bibig 'saka ako napahikbi.

"Both of the bullets are poisoned and it already paralyzed her body before we even operate her. The poison is very strong that we can't do anything to remove it. That's why she's in deep comatose right now. Her body is fighting but we have to pray that it wouldn't spread through her brain." Pilit siyang ngumiti. "We are hoping that the poison will be removed once she wake up." Huminga siya ng malalim. "What we need now is a miracle. We'll pray for her, too." Sinenyasan niya ang mga kasamahan na nasa kaniyang likuran. "Excuse us, please." Paalam niya sa amin.

May dalawang nurse na nagpaiwan. Ililipat raw nila sa private room si Ize. Nanginginig man sa takot ay pinilit ko pa rin siyang tiningnan nang mailabas na siya sa OR.

Living For RevengeWhere stories live. Discover now