Chapter 33

28 3 1
                                    

Chapter 33

Someone's PoV:

(A/N: Nag-uusap sila gamit ang lenggwaheng Nihongo.)

"A-Anong sinabi mo?!"

"Hindi na namin sila mahanap. Hindi namin malaman kung saan sila nagpunta. Kahapon pa sila nawawala."

Naihilamos ko sa aking mukha ang aking mga palad dahil sa matinding inis. "Saan na kaya napunta 'yong sina Jak? Sabi niya ay babalik siya ngayon dahil may nalaman daw siyang importante! Ako ang malilintikan nito dahil nagpatawag pa ako ng malaking pagpupulong ukol doon. Tsk."

"Ang buong grupo niya ay nawawala. Nang subukan namin silang tawagan ay wala ring sumasagot. Tila nakapatay ang kanilang mga gamit."

Inis akong napabuga ng hangin dahil sa inis. "Akin na lamang ikakansela ang pagpupulong. Susubukan ko ring kausapin ang nakatataas upang walang mangyaring pikunan."

~

"Humihingi po ako ng pasensya dahil sa nangyari, ginoo. Ngunit talagang hindi mahagilap ng kahit sino sa amin ang grupo ni Jak." Yumuko ako, hindi kayang titigan ang mga mata niya.

"Nawawala ba sila o nagtatago?" Tanong niya sa malamig na boses.

"Wala po akong maisasagot sa tanong mong 'yan, ginoo."

"Ang babaeng 'yon sa diyaryo," Panimula niya kaya agad akong nag-angat ng tingin. "Nahanap niyo na ba siya?"

Tumikhim ako upang sa gano'ng paraan ay mabawasan man lang ang kaba ko. "Ang totoo niyan, ginoo, ay hindi pa namin malaman-laman kung sino siya." Huminga ako ng malalim. "T'wing susundan namin siya matapos ang mga aksidenteng kami rin ang gumawa ay tila ba nararamdaman niya ang aming presensya. Alam na alam niya kung paano kami tatakasan. Dahil doon ay nahirapan kaming---"

"Ano nga ulit ang kaniyang pangalan?" Putol niya sa aking sasabihin. "Ang mga matang 'yon na kaniyang ginagamit ay kilalang-kilala ko. Ang mga galaw na kaniyang ginagawa t'wing siya'y nasa labanan, ang bilis ng kaniyang mga kilos t'wing reresponde ay may pagkakapareho sa taong kilala ko." Tinitigan niya ako, deretso sa aking mata na aking ikinagitla. "Ano ang pangalang ipinakilala niya?" Lalo siyang sumeryoso.

"S-Siya po ay tinatawag nilang..." Napaisip ako upang alalahanin ang babaeng 'yon. "White."

Hindi ko alam kung tama ang nakita kong emosyon na biglang dumaan sa kaniyang mga mata na kaagad ring nawala. Gulat. Tuwa.

"White," Pag-uulit niya. Unti-unti ay sumilay ang nakakalibot na ngiti sa kaniyang mga labi. "Buhay ka."

~

Lexine Raize's PoV:

Pinanood ko silang magserve ng magserve sa mga customers tulad ko. Dumami lalo ang nagsisipasok sa restaurant dahil sa tatlong lalaki na nagpresintang magtrabaho ng isang buong araw.

"Hmp." Nakita ko ang pasimpleng pag-irap ni Heli sa mga customers na kausap ni Paul. "Ang papangit naman, psh."

Wala sa sariling napatingin ako kay Darren na hindi man lang ngumiti habang nagse-serve. Pasimpleng tumaas ang isang sulok ng labi ko.

Living For RevengeWhere stories live. Discover now