Chapter 34
Lexine's Pov:
"Wait, wait!"
Napatigil ako sa paglalakad nang may
humarang na kung sino sa harap ko.
Dahan-dahan akong nag-angat ng
tingin at doon ko nakitang lalaki ang
humarang sa akin."Ah, hi!" Ngumiti siya at naglahad ng
kamay. "I'm Marcus,"Nagbaba ako ng tingin sa kamay niya.
Kumunot ang noo ko bago muling
nag-angat ng tingin."Uh, can't you...say something?"
Nakalahad pa rin ang kamay niya.
Lalong nagsalubong ang mga kilay ko
sa pagtataka. Ano bang gagawin ko sa
kamay mo? Mabuti sana kung wala
tayo sa school. Eh, di sana nakatay na
kita ngayon.Ibinalik ko ang tingin ko sa binabasa
kong libro bago naglakad ulit at 'saka
siya nilagpasan. Haharang-harang ka,
eh, nagbabasa ako.Muli siyang humarang sa daraanan at
sa hindi inaasahan ay nasagi ng braso
niyang nakaangat pa rin ang librong
hawak ko. Nabitawan ko 'yon, maging
siya ay nabitawan ang milkshake na
hawak ng kabilang kamay niyang
libre.Napatitig ako sa libro kong basang
basa na sa sementong sahig."O-Oh, sorry," Paghingi niya ng
paumanhin na hindi ko alam kung
sinsero. "Bibilhan kita ng bago. Ano
bang libro 'yan? Mukha namang
luma, papalitan ko na lang."Hindi ko pinansin ang sinabi niya.
Dahan-dahan akong lumuhod bago ko
pinulot ang basang libro. Luma nga 'to
pero importante sa kin ang mga
laman nito. Tiningnan ko ang mga
pahina, talagang basang-basa na. At
dahil nga may kalurmaan na ay
mabilisan ring napunit at nabura ng
likido ang tinta sa loob nito dahilan
upang mga ito'y magsikalat, hindi ko alam kung mababasa ko pa 'to."It's dirty, just throw that away,"
Aniya. "What kind of book is that?
Hindi ko maintindihan ang letters."Oh, eh, Hapon ka ba?
Dahan-dahan akong nag-angat ng
tingin sa kaniya. Natigilan siya nang
mapatitig sa matalim na mga mata ko,"Ah, what's with that stare?"
Napabuntong-hininga ako 'saka ko
dinukot ang panyo ko sa bulsa ng
aking pantalon. Pinilit kong punasan
ang libro ngunit halatang hindi ko na
talaga 'to magagamit. Sakto namang
may nakita akong plastic na
hinahangin. Agad ko yong pinulot
saka ko isinupot ang libro.Aalis na sana ako nang hawakan niya
ang braso ko para mapigilan ako sa
tangkang pag-alis. Huminga ako ng
malalim bago bumaling sa kaniya."Don't be snob," Ngumiti siya, labas
ang ngipin. "I like you, you're my
girlfriend now."Pinakatitigan ko siya ng ilang segundo
bago ko dahan-dahang inagaw ang
braso ko mula sa pagkakahawak niya.
Gamit ang libre kong kamay ay
dumukot ako ng patalim sa bulsa
'saka ko 'yon dahan-dahang itinutok
sa kaniya.Tumalim ang titig ko. "Isang harang
pa sa dinaraanan ko at isang
nakakadiring salita pa, gigilitan ko
yang leeg mo." Nanigas siya at hindi
nakapagsalita. Bumaba ang tingin ko
sa leeg niya. Dahan-dahan ko siyang
sinugatan doon dahilan upang
mapalgik siya sa kirot. "Banta."
Bulong ko bago ako lumayo sa kaniya.Habang naglalakad ako palayo ay
pinupunasan ko ng panyo ang patalim
ko. Nang makitang malinis na yon ay
saka ko lang 'yon ulit itinago."Hoy, Ize!" Panggugulat sa akin ni
Heli na hindi naman gumana. "Bakit
mo naman ginano'n?!"
YOU ARE READING
Living For Revenge
Mystery / ThrillerWar. Furious. Death. Live. Revenge. War. Blood. Explosion. Death.