Chapter 10
Lexine's PoV:
"Ano 'yon, Boss? May problema ka ba?"
Umupo ako sa sofa 'saka nag-angat ng tingin sa kaniya. "I spotted some of them."
Unti-unti ay nanlaki ang mga mata niya. "A-Are you sure? B-Baka naman...naka-costume lang na kung sino?"
"No." Pumikit ako ng mariin at isinandal ang aking batok sa sandalan. "I saw the symbol of them on their suit, Trex."
"'Di ba, dapat masaya ka dahil nahanap mo na sila? Bakit parang hindi ka natutuwa?"
"Hindi ko pa rin tuluyang nahahanap ang lungga nila, Trex." Seryoso kong sambit. "Hindi pa dahil magaling silang magtago. Balak kong sundan sila kanina kaso baka maghinala ang mga kasama ko."
"Mamaya na tayo mag-usap, may naghihintay sa atin sa dining room."
Tumayo na ako at dumeretso roon, naabutan ko sila do'n na nakaupo na at nagsisimula na namang mag-ingay.
Nang makita nila ako ay agad silang tumahimik. Inalis ko muna sa aking isip ang mga nakita ko kanina, kailangang magpahinga ng utak ko dahil sa dami ng nangyari ngayon.
Pinanood ko si Trex na ihanda ang mga kakainin, tinulungan na rin siya ni Ash kahit na ilang beses niya itong tinanggihan.
Tahimik lamang kaming kumakain, puro tunog lamang ng mga kubyertos ang maririnig. Hanggang sa basagin ni Vien ang nakabibinging katahimikan.
"I'm uncomfortable," nakangusong aniya. "I don't want this quiet atmosphere." Dagdag niya pa.
"Hay, nako, pagkwentuhan na lang natin si White! Hihihihi." Ani Heli, humahagikgik.
Nagsimula na naman silang mag-ingay, pinag-uusapan 'yong ninjang nakilala nila kanina lang.
"I still can't believe that she's a woman, dude." Nakangiwing saad ni John Paul. "She looked like a man with her suit."
"Don't judge the book by its cover kasi!" Asik ni Heli sa kaniya, pinalo pa siya sa braso.
"She's so galing, ano? Wala siyang takot kanina even if the man she was threatening is taller than her!" Pagsama ni Rian sa ingay. "She even hurted him on the cheeks, gosh! I'm a fan na!"
"Oh, you're a pamaypay na?" Inosenteng baling sa kaniya ni Vien.
"Sinong pinag-uusapan niyo?" Tanong ni Trex, halata ang pagtataka sa kaniyang mukha.
"Ah, 'yong sikat na ninja sa TV, kuya! Don't tell me, you know nothing about her?" Saan ni Heli.
"A-Ah...'yon ba?" Napatingin siya sa akin.
Para kaming nag-uusap gamit ang mga mata. Pasiring kong inalis ang paningin sa kaniya.
"Next week, pwede uli kayong bumisita rito." Nakangiting ani Trex dahilan para magsalubong ang parehong kilay ko. "'Di ba, 'no, bos--Raize?"
Bakit na naman?!
"Tss."
~
Ashly's PoV:
YOU ARE READING
Living For Revenge
Mystery / ThrillerWar. Furious. Death. Live. Revenge. War. Blood. Explosion. Death.