Chapter 4

46 6 4
                                    

Chapter 4

Lexine's PoV:

"Shocks, ang galing niya!"

Nanonood sa laptop sina Rian, Heli at Ash, pati na 'yong dalawang lalaki. Si Darren, nakikibasa sa libro ko.

"What are you reading?"

Hindi ko siya pinansin. Kanina pa siya nagtatanong, wala akong pakialam kung mapaos siya o ano.

"Sana mantika!" Napapikit ako ng mariin dahil sa ingay ng boses ni Heli at Rian.

"He's so cool." Dinig kong ani Paul. "He's good at fighting, too, huh?"

"Wait, he?" Humarap sa kaniya si Heli. "Sigurado ka, boy siya?"

"Ah, yeah?" Muling bumaling sa laptop si Paul. "He looks manly. You know? The...tindig! Is that the word, Vien?" Bulong pa niya sa katabi.

"I agree."

"I'm asking you, dumb."

"Ha? What's your tanong?"

"What is tindig?"

"Uh, posture?"

He then snapped his fingers. "Yeah! He looked manly on his poise."

Tss.

Lalaki? Gago.

"Ay, basta me? I think, she's babae!" Tumatango si Ash sa sinabi ni Heli. "Kasi, look, oh! She has big dibdib, dzuh?"

"Oo nga!" Sang-ayon ni Rian.

"No, he's a boy." Gatong ulit ni Paul at Vien. "Look at him, he doesn't even have hair."

"Ugh, of course, she has, 'no!" Inis na tumayo si Heli. "She's hiding her hair inside that...anong call diyan?" Turo niya sa laptop.

"Stop it, you guys." Sumabat 'tong katabi ko, si Darren. "We're reading. You're annoying Lexine."

Nagsalubong ang parehong kilay ko dahil sa sinabi niya.

"Oh, is that so?" Ngumiti ng mapang-asar si Paul. "You have a crush on her, 'no?"

"Shut up." Inis na sagot ng katabi ko bago muling bumaling sa akin. "Let's continue."

Medyo tumalikod ako sa kaniya bago ako bumaling kina Heli. "Ano 'yang pinanonood niyo?"

"Ah, 'eto?" Hinarap niya sa akin ang laptop niya. "Ang galing niya, 'no? Niligtas niya 'yong hostage!"

Napataas ang kilay ko nang malaman kung anong pinanonood nila.

Isang taong balot na balot ang katawan ng puting tela. Maging ang mukha niya ay may tabing, mga berdeng mata na lamang niya ang makikita. May mga hawak na patalim habang nakikipaglaban sa harap ng media.

Oh, eh, anong magaling diyan?

Napailing-iling ako. "Mas mabuti pang magbasa ng libro kaysa sa magsayang ng oras sa kanonood ng mga walang kwentang bagay."

Inirapan niya ako bago bumalik sa panonood.

Napaisip ako. Bakit ba akala nila, lalaki 'yon? Kagaguhan, sapakin ko kayong lahat.

"Hey," hinawakan ni Darren ang baba ko at sapilitan akong pinag-angat ng tingin. "What were you thinking?"

Ngumiwi ako at tumayo. "I'll just buy some snacks-"

Living For RevengeWhere stories live. Discover now