Chapter 31
Lexine's PoV:
Ang alikabok naman nito. Tss, kawawang kahon. Pasensya na, hindi kita lilinisin. Ang bantot mo.
Tinatamad rin ako.
Inis akong napabuga ng hangin nang maramdaman kong kumulo ang tiyan ko. Kakakain ko lang, gutom na naman ako. Mabuti sana kung nandito si Trex para may mautusan ako, kaso inutusan ko nga palang umalis kanina.
Tinatamad akong magluto, mamaya na ulit ako kakain. At isa pa, mauubos na plato dito sa bahay ko.
Pagkatapos kong kumain, hindi ako naghuhugas ng plato. Sa tamad kong 'to, sa tingin niyo, maghuhugas ako? Tss. Ibinabato ko na lang sa kakahuyan para masaya.
Dinala ko sa study table ang maalikabok na kahong dala ko. Ang totoo niyan, natutulog ako kanina, nagising ako no'ng managinip ako tungkol kay mama. Bumalik sa isip ko 'yong kahon na binanggit niya noon sa akin. Itinago ko nga pala 'yon sa basement.
Ngayon ko lang 'to bubuksan, bukod sa nakalimutan ko, tinamad rin akong maghanap.
Oh, 'wag kayong mapikon. Talent ang pagiging tamad. Ako ang master.
Hinipan ko ang ibabaw dahil may nahahalata akong nakasulat doon. Pinagpag ko pa ng kaunti dahil hindi gumana ang pag-ihip ko.
Ang arte ng kahong 'to, nagsepilyo naman ako. Hindi mabaho hininga ko.
"X.X.X.R." Pagbabasa ko sa nakasulat sa kahon. Nakamot ko ang gilid ng kilay ko. "'No 'to, porno?"
Dahan-dahan ang ginawa kong pagbukas niyon. Kahon 'yon na gawa sa kahoy, mabuti nga't hindi inanay. May kalakihan ang kahon ngunit magaan.
Sa loob ay panibagong kahon ulit, gawa naman sa kulay itim na karton. Binuksan ko ulit ang kahon at halos magsalubong ang parehong kilay ko nang makitang kahon ulit ang laman no'n.
"Isa pang kahon, ibabalibag ko 'to."
Muli kong binuksan ang kaho---
BLAG!
'Di bale na nga. Iniwan ko na lang ang kahon sa kwarto ko matapos ko 'yong ibalibag sa kung saan. Hindi ko alam kung saan napunta.
Magbibigay ng kahon na kahon at kahon na may kahon na may isa pang kahon ang laman. Nantitrip ka ba, 'Ma?
Tuloy ay nakasimangot akong nagluto ng kikiam sa kusina. Pagkatapos kong magluto ng isang mangkok ng kikiam ay kinuha ko ang pot holder 'saka ko ginamit 'yon para hindi ako mapaso sa paghawak ng kawali. Lumabas ako at pumunta sa kakahuyan 'saka ko itinapon doon ang mantikang halos limang beses ko nang ginamit---wala kayong pake, nagtitipid ako.
Pinanood kong bumaluktot ang mga halaman 'saka ako bumalik sa kusina at inilapag ang kawali sa lababo. Gusto ko sanang itapon rin 'yon dahil tinatamad akong maghugas kaso paubos na pala kawali sa bahay ko.
YOU ARE READING
Living For Revenge
Mystery / ThrillerWar. Furious. Death. Live. Revenge. War. Blood. Explosion. Death.