Chapter 13
Ylexir's PoV:
I stilled watching how she smite them. It looks familiar.
I glanced at Xzyle. Her mouth was gaping, she looks shock of what she was watching. Even me, I was shock.
Lexine Ranzona.
You're the demon.
Lexine's PoV:
"AAAAAHHHH!"
Malakas kong sinipa ang punching bag dahilan para tuluyan 'yong mawasak.
Hingal na hingal akong napaupo sa itim na sahig. Kanina ko pa ibinubuhos ang lahat ng galit na nararamdaman ko sa lahat ng gamit na nakikita ko. Napakarami ko nang nasisira ngunit hindi ko na 'yon pinansin pa.
"Please, boss. Calm down-"
"How the fuck, Trex?!" Galit kong sinipa ang isang babasaging paso bago ako muling humarap sa kaniya. "They fucking saw the other side of me...and then, y-you're telling me to fucking calm myself down?" Natawa ako, sarakstiko, napipikon. Mahigpit kong hinawakan ang kwelyo ng suot niyang sleeve. "Do you want me to stab your throat with my knife...?"
"Y-You're doing it again, boss." Napapalunok niyang saad.
Agad ko siyang nabitawan matapos kong matigilan. "I'm sorry." Agad kong hingi ng tawad bago umalis sa tagong kwarto na 'yon.
Nakita ni Trex ang video na 'yon dahil naka-live. Mabuti na lamang at hindi pa masyadong kumalat kaya nakagawa pa siya ng paraan para hindi umabot ang video na 'yon sa awtoridad. Nabura niya lahat sa social media lahat ng video.
Pumasok ako sa kwarto ko at nagkulong na lamang sa walk-in closet, iniisip kung ano ang pwedeng mangyari bukas.
Natawa ako ng mahina, tawang hindi natutuwa.
Ano nang gagawin mo ngayon, Raize?
Napabuntong-hininga ako at napahilot sa aking sentido. Pakiramdam ko, ang tanga-tanga ko. Ang bobo ko dahil hindi ko nakontrol ang sarili ko kanina.
Maraming nakakita. Kumalat pa sa social media. Ayos lang kung makukulong ako. Ang hindi ayos ay 'yong nakita at napanood ako mismo ng mga kaibigan ko.
Paniguradong kinabukasan, wala nang lalapit sa akin.
Nalaman na nila ang isa sa mga sikreto ko. Sa unang sikretong nalaman nila ay grabe na ang kaba ko, pa'no na lang kapag nalaman na nila ang iba pang tinatago ko? Paano na lang kapag nalaman na nila kung sino ako?
Paniguradong ituturing nila akong demonyo.
Eh, demonyo naman talaga ako, eh.
Kinuha ko agad ang phone sa bulsa ko at sinagot ang tawag nang maramdaman kong nagriring 'yon.
Pornhub's calling...
Tumatawag si manager. Lagi ko kasi siyang nahuhuli na nanonood sa pornhub kaya ganiyan ang nickname na binigay ko sa kaniya.
Tatanggalin na siguro ako nito sa trabaho. Malamang kasi ay napanood niya na rin 'yong video kung saan para akong brutal na handang-handa sa pagpatay ng mga tao.
Huminga ako ng malalim bago tuluyang sinagot ang tawag niya.
[ANO NA NAMAN ITO?!]
Kaagad na nagsalubong ang mga kilay ko. "Sino ka para sigawan ako?" Wala sa sariling sambit ko.
[Aba't-wala ka talagang galang! Ikaw na nga itong namerwisyo sa amin!] Galit niyang sigaw. [Dahil sa video mo na 'yon na kumakalat, natakot na ang karamihan sa customers na kumain rito sa restaurant! Kilala ka sa resto na 'to at ngayon, takot na takot na sila sa 'yo!]
YOU ARE READING
Living For Revenge
Mystery / ThrillerWar. Furious. Death. Live. Revenge. War. Blood. Explosion. Death.