Chapter 41

30 3 1
                                    

Chapter 41

Moon's PoV:

Sorry po, ako na lang daw po sabi ni Author kasi lumipad po utak niya papunta sa tuktok ng Eiffel tower, nahihirapan raw po siyang mag-English.

Nasa parke kami ngayon, galing kami sa isang bangko kanina na muntik nang manakawan. Pinanood lang kami ni White na gumalaw, nanatili lang siya sa rooftop ng isang building, malalim kasi ang iniisip. Nag-uusap sila ni Dark.

Kanina, dumating kami ni Light sa tamang oras. Naabutan namin si Dark, sinaksak siya ni Xuin sa tagiliran, mabuti na lang nga at hindi siya napuruhan. Nasa rooftop siya kasama ni White, hindi ko nga lang alam kung anong pinag-uusapan nila.

No'ng akma na kaming aatake ni Light kay Xuin, bigla kaming napatigil dahil sa isang kisapmata ay naroon na si White at sinugatan ulit si Xuin kung saan niya ito sinugatan kanina sa ospital, sa bandang batok. Matapos no'n ay hinayaan siya ni White na umalis. Pero kahit na ganoon si White, walang ekspresyon ang mukha, alam naming lahat na may gumugulo sa isipan niya. Kung dati ay tahimik siya, mas lalo siyang tumahimik ngayon, simula nang dumating ang kuya niya.

Ngayon, buong grupo namin ang nag-aalala, alam na ni Xuin na buhay kaming lahat. Posibleng paimbestigahan ni Xuin si White at ang nakakapag-alala pa ay baka idamay nito ang mga kaibigan ng kapatid niya.

Delikado.

Kaya siguro nananahimik ngayon si White, maaaring nag-iisip niya ng paghahanda.

Pero ang ipinag-aalala ko, baka hindi namin kayanin kahit pa makapaghanda kami ng maayos na plano. Bakit? Dahil masyado kaming kaunti laban sa mga kalalabanin naming angkan.

Kung itinatanong nito kung nasaan ang iba pang kauri naming mga White ninja, naroon sila sa Japan, ngunit noong bumyahe si Dark para kausapin sila, hindi sila pumayag na sumama sa paghahanda. Alam raw nila na wala kaming kalaban-laban, bakit pa raw nila isasakripisyo ang buhay nila sa wala?

May mga natira pang White ninjas ngunit takot na silang sumali pa sa kahit na anong digmaan. Kakaunti na lang kami. At ang masaklap, anim lang talaga kaming may gusto ng paghihiganti.

~

Nandito na kami ngayon sa wooden house kung saan lagi kaming nagtitipon, buong grupo.

Nakatingin lang kami kay White na kanina pa tahimik. Hinihintay lang namin siyang magsalita.

"White," Si Light na mismo ang nagbasag ng katahimikan. "We're worried, talk, please?"

Dahan-dahang bumaling paharap sa amin si White, agad kong naiiwas ang ang paningin dahil sa malalim niyang pagtitig. 'Ayun na naman kasi ang walang emosyong mga mata niya. Kahit kailangan, hindi ko nalabanan 'yon.

"Take off..." Lalong naging malamig ang tono ng boses niya na ikinataas ng mga balahibo ko. "...your masks."

Nagkatinginan kaming lahat bago sabay-sabay na tumango. Agad namin siyang sinunod.

Tiningnan niya kaming lahat at parang hindi siya nagulat ng kahit kaunti na ipinagtaka namin.

"Uhm, hindi ka nagulat?" Tanong ko.

Humalukipkip muna siya bago nagsalita. "The first time I saw you, I already know who you truly are." Sagot niya habang isa-isa kaming tinitingnan.

Kami ngayon ang nagulat, imbes na siya. "The fuck?" Mura agad ni Dark.

"Yes, the hell?" Si Sky.

"Shit 'yan." Si Range.

"And I have that idea as well," Natawa si Light. "I knew from the very beginning that you knew who we are."

Living For RevengeWhere stories live. Discover now