Chapter 17

34 5 0
                                    

Chapter 17

Trex's PoV:

Panay ang buntong hininga ko habang nakaupo sa upuan rito sa hospital.

Nagtataka siguro kayo kung bakit ako nandito, ano? Well, binabantayan ko 'yong mga pasyenteng dinala ko rito.

Sinong pasyente ba 'ka niyo?

Eh, 'di 'yong mga binugbog ni boss kaninang umaga. Hehehe.

Napilitan lang akong dalhin sila sa ospital dahil kay lola. Ewan ko ba. Tumatawa siya at pumapalakpak nang mapabagsak ni boss ang mga lalaking 'to kanina. Naawa rin siya no'ng huli pero tumatawa pa rin no'ng pinakiusapan niya akong dalhin sila rito.

Si boss? Nasa restaurant, nagtatrabaho. Alam niyo na, being poor is mahirap. Ha.

Kunwari gets niyo, ha?

~

Matapos bayaran ang bills ay lumabas na ako sa hospital. Nag-advanced payment na ako. Dalawang linggo raw silang mako-confine, eh. Kawawa naman, tsk, tsk, tsk.

Ang totoo ay si lola mismo ang nakiusap sa akin na dalhin sila sa ospital. Kanina ay tatawa-tawa siya dahil ang hihina raw no'ng mga lalaki laban kay Raize. Pero no'ng huli, naawa rin. Pinakiusapan ako habang tumatawa.

Hindi ko tuloy alam kung sincere siya.

Sinabi ko na 'to kanina, inulit ko lang, hehehe.

Sa huli ay pumayag na 'yong mga lalaki na hindi na manggugulo kina lola sa bakanteng lote. Mukhang natakot kay boss, eh. Hehehe.

"Hoy-"

"Ay, hotdog na naka-condom!" Halos himatayin ako sa gulat nang may magsalita sa likod ko. "Boss naman! Bakit ka naman nanggugulat?!"

"Tss."

"Papatayin mo ba 'ko? Pa'no kapag namatay ako? Baka umiyak girlfriend ko! Tapos madedepress siya, tapos magpapakamatay na-"

"'Wag kang O.A."

Napanguso ako. Sinenyasan niya akong sumunod sa kaniya hanggang sa tumigil kami sa tapat ng isang street food vendor.

Agad-agad siyang bumili ng paborito niyang kikiam. Hays, ang hilig-hilig niya sa kikiam! Naalala ko bigla, no'ng nakaraang linggo, halos mapuno ng frozen kikiams 'yong ibabang drawer ng refrigerator niya sa bahay niya!

Tapos ako pinagluto niya, hindi naman niya ako binibigyan! Hmp!

'Yong tipong papapuntahin niya 'ko sa bahay niya tapos ako naman, pupunta agad kasi sabi niya emergency. Tapos pagdating ko doon, paglulutuin lang ako ng kikiam!

Sakit sa heart.

Sarap manakal ng boss, eh, 'no?

Kaso baka ako ang masakal, 'wag na lang. Hehe.

"Mukha kang natatae."

Natigil ako sa pag-iisip nang bigla siyang magsalita.

"Tapos matigas tae mo kaya nahihirapan kang ilabas."

Umawang ang labi ko. Nangyayari kay boss?

"Tapos pati bituka mo, lumabas sa pwet mo-"

"Boss naman!"

"'Wag mo 'ka kong puputulin ang sinasabi ko, 'di ba?" Tumalim ang titig niya sa akin kaya napanguso ako. "Tapos pati kidney mo, lumabas sa pwet mo."

Living For RevengeWhere stories live. Discover now