Chapter 24

35 5 1
                                    

Chapter 24

Trex's PoV:

Napabuntong-hininga ako nang maalala kung paano ko pinaghirapang linisin ang sala ng bahay ng amo ko.

Napanguso ako ng matindi. Lagi na lang akong pinahihirapan ni boss!

Pero hanggang ngayon, hindi niya pa rin sinasabi kung bakit niya pinatay ang mga taong 'yon. Gusto ko siyang pagalitan dahil menor de edad pa ang mga pinatay niya pero ayoko namang gilitan niya ako dahil sa pangingialam. At isa pa, kaedad niya naman rin, hihi.

Nandito ako ngayon sa mansion at nakaupo sa mahabang couch habang kumakain ng pizza.

Nakasimangot ako dahil hindi nakikinig sa akin si Raize, lagi ko siyang sinasabihan na kumalma at 'wag umatake ng walang kasama dahil nag-aalala ako sa kaniya. At isa pa, kapag pumatay siya tapos hindi namin nalusutan, makukulong siya!

Alam kong kaya niya ang sarili niya pero kahit ganoon ay nag-aalala pa rin ako. Pa'no kung sakaling hindi niya kinaya? Eh, 'di siya pa ang napahamak!

Natigilan ako nang magring ang phone ko. Agad kong sinagot 'yon nang makitang si boss ang tumatawag.

"Ano na naman, Ra---?!"

[Sinisigawan mo ba 'ko?]

"Ha? H-Hindi, ah! Boss, hehehe. May kailangan ka, boss?" Pinilit kong ngumiti kahit na wala naman siya sa harap ko.

Ayoko kasi ng gano'ng tono ng boses niya, para siyang mananapak!

Narinig ko ang buntong-hininga niya mula sa kabilang linya. [Magkita tayo sa restaurant na pinagtatrabahuhan ko.]

Kumunot ang noo ko. "Bakit naman, boss?"

[We need to talk about something.]

"Bakit hindi na lang dito sa pho---"

[Nagrereklamo ka ba?]

"S-Syempre naman hindi, boss! Hehe, paalis na nga ako, oh. Nagsusuot na ako ng sapatos." Totoo 'yon, isinusuot ko na talaga ang sapatos ko.

Ayaw kasi no'n ng naghihintay.

Pinaharurot ko ang sasakyan papunta sa restaurant na pinagtatrabahuhan niya. Malayo 'yon sa mansion kaya nagmamadali ako.

Ano na naman kayang pinaplano ni boss tungkol sa sinabi ko kagabi?

~

"Boss," Ngumiti ako sa kaniya, tiningnan niya lang ako at walang mababasang emosyon sa kaniya mukha. Para lang siyang nakatitig sa walang kwentang bagay.

Tinalikuran niya ako kaya nakanguso ko siyang sinundan.

Kahit kailan, ang sungit niya. Baka nakakalimutan niyang mas matanda ako sa kaniya ng pitong taon? Hmp.

Umupo kami sa pinakadulong table, sa tabi ng glass wall. Hindi kami umorder, kuripot si boss, eh.

Ngumuso ako. Gutom na ulit ako.

Magsasalita na sana siya nang may tumawag sa kaniya.

"Hoy, Ize! Bakit ka nakaupo diyan? Dapat tinanggal ka na ni manager, tamad ka naman!"

Natigilan ako lalo nang malakas niyang batukan si boss.

Napalunok ako habang dahan-dahang humaharap kay boss. Napaubo ako ng mahina nang makita ang walang emosyon niyang mga mata habang nakatitig sa lalaking waiter na nanakit sa kaniya.

Living For RevengeWhere stories live. Discover now