Chapter 45
Trex's PoV:
Nagluluto ako ng agahan nang may magtext sa akin. Galing sa unknown number at nang mabasa ko ang nilalaman ay binalot ako ng pag-aalala.
Agad kong pinatay ang stove at tumakbo papunta sa ikawalang palapag. Hindi na ako kumatok pa sa pintuan ng kwarto ni Boss. Agad akong pumasok at niyugyog siya para magising.
"R-Raize, wake up!" Sigaw ko.
Ang lakas-lakas at napakabilis ng tibok ng puso ko dahil sa sobrang kaba at pag-aalala.
Ngunit agad rin akong natigilan nang maramdaman ang init niya. Doon ko lang rin napansin ang kaputlaan niya. Anong nangyari?!
"Raize..." Agad kong hinipo ang noo niya. "Ang taas ng lagnat mo! Shit, pa'no ba 'to?!"
Napasabunot ako sa buhok ko. Nang makita kong dumidilat na siya ay bigla akong nagdalawang-isip kung sasabihin ko ba sa kaniya ang laman ng text ng kung sino sa akin kanina.
Pero kailangan nila ng tulong. At...si Raize lang ang kayang gumawa no'n.
"W-What...?" Tanong niya.
Huminga ako ng malalim bago napapalunok na sumagot. "N-Nawawala ang mga kaibigan mo."
At parang kasimbilis ng kidlat ang biglaang pagbabago ng ekspresyon sa mukha niya. Puno ng gulat, takot, kaba.
"May nagtext sa akin ngayon lang.." Inilabas ko ang phone ko at iniharap 'yon sa kaniya. Agad niyang kinuha 'yon sa akin at binasa ang text.
'I have your friends, and also your sister. Even your team can't protect them. Meet me, Xinn. Papa will wait for you.'
Napahigpit ang hawak niya sa phone ko. Ibinalik niya 'yon sa akin bago siya bumangon. Muntik na siyang bumagsak pagkatayo niya kaya inalalayan ko siya.
"Careful, Raize..." Pinigilan ko siya sa akmang pag-alis. "You can't save them, you have a high fever! Nanghihina ka pa."
"B-But I have to..." Pahinang-pahina ang boses niya. Humarap siya sa akin. "Bakit ikaw ang tinext, Trex?"
Napakurap-kurap ako at napaisip. "Hindi...ko rin alam, Boss."
Napahawak siya sa sentido niya bago nagsimulang maglakad paalis dala ang bag niya. Inalalayan ko na lang siya dahil alam ko namang hindi siya magpapapigil.
"Kaya mo ba?"
"K-Kaya ko na, Trex." Tumingin siya sa 'kin. "Stay here."
"P-Pero---"
"No buts." Pigil niya. Umayos siya sa pagkakatayo bago mahinang napadaing at muling napahawak sa ulo. "Shit."
"Wala ka sa tamang kondisyon, Raize. Baka mapahamak ka ri---"
"Hindi ko alam kung anong magagawa ko sa sarili ko kapag napahamak sa nang dahil sa akin, Trex." Aniya at tumakbo paalis.
"Raize!" Sinarahan niya ako ng pinto. Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko dahil sa inis, hindi siya nakikinig sa akin.
Ganiyan siya lagi. Laging iniisip ang kapakanan ng iba pero wala siyang pakialam sa maaaring mangyari sa sarili niya.
Ang lakas ng kabog ng dibdib ko dahil sobra-sobrang pag-aalala. Kung iniisip niyo namang dapat kasi magtawag na lang ako ng back-up, ito ang sagot, 'hindi puwede'. Maliban sa ayaw ni Raize na may mga inosenteng taong masaktan, alam rin niyang walang magiging silbi ang labanan. Talo agad ang normal laban sa mga mandirigmang tulad ng mga black shinobis.
YOU ARE READING
Living For Revenge
Mystery / ThrillerWar. Furious. Death. Live. Revenge. War. Blood. Explosion. Death.