Chapter 6
Lexine's PoV:
"Trex,"
Nagluluto siya ngayon dito sa kusina-alangan namang magluto siya sa banyo, 'di ba?
Dahan-dahan siyang humarap at tumingin sa akin. "Ang tagal mo naman. Nagugu-Boss!" Nag-aalala siyang lumapit sa akin. "Ano 'yan?! Bakit may ganiyan!" Aniya sabay turo sa damit ko.
Kumunot ang aking noo dahil sa tanong niya. Napatingin ako sa suot ko,
Ah, ito ba?
"Dugo." Simpleng sagot ko at humikab. "Hindi ka pa ba tapos diyan-?"
"BAKIT KA DUGUAN!"
Napatigil siya sa pagsigaw nang masalubong ang masama kong tingin. Ayaw ko 'ka kong pinuputol ako t'wing nagsasalita, eh.
Gilitan rin kaya kita?
"B-Bakit ka may blood?" Medyo mahinahon na niyang tanong.
"Lahat ng tao, may dugo. Bobo." Inis kong sambit.
"Engkasi naman, ih! Sumagot ka ng maayos kasi."
I sighed before yawning again. Inaantok na kasi talaga ako, eh.
"'Wag mo 'kong alalahanin, Trex." Napatingin akong muli sa suot ko. "Labhan mo na lang 'to."
"Saan ba galing 'yan? May pinata-"
"Manahimik ka." Ngumiwi ako.
~
Pagpasok ko sa kwarto ko ay agad akong naligo. Ang lagkit ng dugo ng lalaking 'yon, ah? Ang lansa ng amoy, pucha.
'Wag kayong mag-isip ng masama. Hindi ko siya pinatay. Bale, uh,
Sinugatan ko lang ng medyo-medyo lang naman-medyo malalim sa may panga.
Natalsikan ako sa mukha, syempre. Pero pinunasan ko rin para walang makakita. Nagsuot kasi ako ng jacket bago muling nagmaneho pauwi. Hinubad ko rin kaagad pagkauwi kaya nakita ni Trex.
Maya-maya pa ay pumasok siya sa kwarto ko habang gumagawa ako ng assignments. May dala siyang tray kung saan nakalagay ang kakainin ko.
"Kumain ka na." Aniya bago umupo sa tabi ko.
Hindi naman gan'to 'to, eh. Mas gusto niya pang maghintay sa dining room hanggang sa bumaba ako at makisalo sa kaniya sa pagkain.
Paniguradong dumeretso 'to rito para magtanong.
"What is it?" Panimula ko, inuunahan siya.
Nakagat niya ang pang-ibabang labi bago nagsalita. "Just...tell me what you did."
Napailing-iling ako bago nagsimulang magkwento.
~
"AAAAAHHH!"
Pwe! Peste, natalsikan ako!
Muli akong humarap sa kanila bago ko pinunasan ang aking pisngi kung saan tumalsik ang dugo ng aking kaharap.
"Hahayaan niyo 'kong dumaan o kayo ang susunod kong gigilitan?"
Hindi sila nakasagot. Bumaling sila sa kasamahan nilang nakaupo na sa sementong daan habang hawak ang sugat sa may panga.
YOU ARE READING
Living For Revenge
Mystery / ThrillerWar. Furious. Death. Live. Revenge. War. Blood. Explosion. Death.