Chapter 22
Ashly's PoV:
Kinabukasan ay naging normal na ang lahat. Wala nang nambubully kay Ize at alam na rin ng lahat ng estudyante na hindi siya makikick sa school.
Pero kahit ganoon ay hindi nabawasan ang bulungan. Hindi man nila saktan si Ize ng pisikal, nilalait naman nila ito ng patago. Alam namin 'yon dahil naririnig namin lagi sa paligid. Si Ize ay halata namang walang pakialam sa kahit na ano ang sabihin ng iba laban sa kaniya.
Nang maglunch time na ay napagdesisyunan naming dumeretso sa garden. Pinipilit nila ako na magkwento tungkol kay miss Kori kaya inaya ko silang magpunta roon dahil mas gusto ko ang tahimik na atmospera.
Nagsiupuan kami sa damuhan, nagdala kami ng ilang snacks at inumin kahit na kakakain lamang namin ng pananghalian. Mayroon pa kaming trenta minutos bago mag-umpisa ang panghapong klase.
Pinalibutan namin ang makakaing dala namin na inilapag namin sa gitna. Si Ize lamang ang nakahiwalay sa amin dahil nakasandal siya sa isang puno habang tahimik na nagbabasa ng libro. Isang reference book. Kaya siguro lagi siyang may sagot sa quizzes dahil mahilig siyang magbasa ng tungkol sa lessons. Kahit kasi hindi pa namin napag-aaralan ay alam na niyang sagutan.
"Magkwento ka na, dali!" Excited na sabi ni Heli. "Gosh, sabi mo, tinulungan ka no'ng Kori which is si White mismo! Nakakainggit!"
Pilit akong ngumiti at tumango sa kanila. "Ang totoo niyan ay sinabi ko na kay Rian 'yon noon pang nakaraan, kinagabihan matapos naming lumipat sa bago naming titirhan." Pabuntong hiningang saad ko na tinanguan ni Rian.
"Yes, at first, I was gulat. Dzuh? As in, who's miss Kori ba? How niya nalaman ang situation ng life nila Ash? Did she know her on personal?" Sunod-sunod niyang tanong.
Ngumuso ako. Bakit ba napaka-conyo niya magsalita? Minsan tuloy ay hindi ko naiintindihan ang mga sinasabi niya. Nahihirapan ako dahil English tapos biglang Tagalog. Hay.
Inumpisahan ko na ang pagku-kwento. Mula sa pag-aaway ng mga magulang ko at ng may-ari ng inuupahan naming bahay na tita ko hanggang sa pagdating namin sa bahay na ibinigay ni Kori para sa amin.
"Binigyan niya rin ako ng Butler," nakangusong dagdag ko. "Sabi ko, wala akong pansahod sa kaniya tapos ang sagot niya sa akin, si miss Kori na raw ang bahalang magpasahod sa kaniya. Libre na raw ang lahat para raw sa akin." Pagku-kwento ko.
"You're lucky, though." Nakangiting sabi ni Vien, namula ang aking mga pisngi dahil sa uri ng pagtitig niya sa akin. "At least, wala ka nang poproblemahin maliban sa school works, hindi ba?" Lalo pang lumawak ang ngiti niya.
Tinanguan ko siya bilang sagot. "Kinabukasan ay sinabi sa akin ni kuya Russ, 'yong Butler ko, na si Miss Kori na rin raw ang bahala sa pag-aaral ko. Siya na raw ang magbabayad ng lahat kaya scholar na ako ngayon."
"Ang bait ni White, 'di ba?" Humagikgik si Heli.
"White ninja..." Napatingin kaming lahat kay Ize nang magsalita siya, tutok pa rin ang kaniyang mga mata sa librong hawak. "Kori..."
"Bakit, Ize?" Tanong ni Heli sa kaniya, kunot ang noo.
Bumaling sa amin ang malalamig niyang mga mata. "Kori...Kori..." Ulit niya pa na lalo naming ipinagtaka.
"May want ka bang i-say, Ize?" Maging si Rian ay naguguluhan na sa kaniya.
Tumaas ang isang sulok ng labi ni Ize, ngumingisi. "Gusto niyong malaman kung sino si White, hindi ba?" Tinanguan namin siya bilang sagot. "Pag-aralan niyo ng mabuti ang ibinigay niyang pangalan. Sa pamamagitan no'n ay may mabubuo na sa inyong isipan." Matapos niyang sabihin 'yon ay ngingisi-ngisi siyang umalis. Kasabay ng pag-alis niya ay ang pagtunog ng bell, senyales na mag-uumpisa na ang panghapong klase.
YOU ARE READING
Living For Revenge
Mystery / ThrillerWar. Furious. Death. Live. Revenge. War. Blood. Explosion. Death.