Chapter 3

48 7 3
                                    

Chapter 3

Lexine's PoV:

Mahabang katahimikan ang namayani sa amin matapos niyang sabihin 'yon.

Tinitigan ko siya ng mabuti sa kaniyang mga mata, sinubukan niyang labanan ang lalim niyon ngunit tuluyan pa rin siyang sumuko.

Magsasalita na ulit sana siya nang biglang may kumapit sa braso niya.

Yumi,

"Hi, honey!" Hahalikan niya na sana si Darren-wala kayong pakialam sa first name basis-ngunit agaran itong nakaiwas.

Ayos lang 'yan, iyak ka, tawa ako.

"W-Who the fuck-" naputol niya ang sasabihin nang yakapin siya nito. "The hell? G-Get off me!"

"Ugh! Don't you know me?!" Maarte itong tumayo.

Nanonood lang ako sa katangahan niya, sana nga lang, hindi niya 'ko mapansin.

"No."

"I'm your future wife!" Pumikit-pikit pa ang gago na parang napuwing. "Look at me, I'm so gorgeous, 'di ba?"

Sabay kaming napangiwi ni Darren bago nagkatinginan. "You looked like a clown wearing some fancy clothes who'll be performing a funny dance in front of the king."

Nagsalubong ang kilay ko sa narinig.

"A c-clown?!" Namula siya, hindi ko alam kung dahil sa pagkapahiya o dahil sa galit. "A clown!"

Napangisi ako. Mukhang kawawang higad si Yumi ngayon sa harap ko. Nawala ang ngisi ko nang mapatingin siya sa akin.

"Ha! Y-You again!" Nameywang siya sa harap ko. "Are you making fun of me?!"

Oh! Bakit ako nadadamay rito? Ako ba pumuri sa 'yo?

Ayoko ng gulo kaya hindi nalang ako sumagot. Parang gago, eh. Hindi ko naman inaano, tss.

"Uh, what's happening?" Sakto namang dumating 'yong dalawa pang lalaki, libre na daw nila ang lunch namin.

Eh, 'di nawa'y lahat, mayaman.

"Aww, another adorable men." Kay John Paul naman ngayon lumapit si Yumi. "Let's date?"

"Huh? Hell, no." Agad na tanggi nito dahilan para matawa sina Heli, Rian at Ash. "I will never date with someone...who looks like a mons...ter."

Ngumiwi ako at kumuyom ang palad ko.

Napalakas ang tawa ng tatlong katabi ko, kasama na 'yong lalaking katabi ni Paul. Inis na humarap ulit sa akin si Yumi.

"What are you laughing for, huh?! Fuck you!"

Tss, inaano ba kita, ha?

Ni-hindi nga ako tumawa tapos...sa akin magagalit? Gago.

"Ha! 'Wag kang mag-alala, hinding-hindi ko patitigilin lahat ng nambubully sa 'yo!" Malakas siyang tumawa.

Sa sinabi niyang 'yon ay sumeryoso ako. Kung gano'n, siya ang may pakana kung bakit pinagtitripan ako ng mga estudyanteng nadadaanan ko?

"Ize.." bulong ni Heli, bakas ang pag-aalala. "Palampasin mo muna siya ngayon, okay?"

I sighed. Mas mabuting kumalma muna ako ngayon. Wala akong mapapala kung sakaling makipagbardagulan ako.

"Aw, what? Are you now mad at me? Well, I don't care!" Ngumisi siya. "You will be our toy for this school year!"

Living For RevengeWhere stories live. Discover now