Chapter 35
"Shit, tingnan niyo 'to, oh!"
Napatigil ako sa pagbabasa nang sumigaw si Heli. Lumapit siya sa akin at ipinakita ang nasa screen ng phone niya.
"Naaalala mo pa 'yong lalaki kahapon? 'Yong nagpakilalang Marcus?" Tumango kami bilang sagot. "Mayaman pala 'yon, sobra, oo! Kilala sila ng principal natin, ang sabi rin, may binigay silang napakalaking pera para dito sa school! 'Di ba, Rian?"
"Yep, yep!" Sang-ayon nito. "Maraming families ang founder ng school natin, guys. Isa na doon ang family nina Marcus at syempre, family rin ni Yumi."
Nagpatuloy ako sa pagbabasa ngunit ang atensyon at pandinig ko ay nasa kanila.
"Uh, why are we talking about them?" Nakangiwing tanong ni Paul. "I don't care about their money, I could bye whatever I want, too."
"Ito, oh." Tumikhim pa muna si Heli. "Sabi rito sa balita, bumagsak raw ang kompanya ng family nina Marcus. Pati na rin daw ang mga hotels na pagmamay-ari nila, may nagpagiba! Mahihirapan raw silang makabangon o baka nga hindi na puwede dahil masyadong marami ang nawala sa kanila. At ito pa!" Nanlalaki ang mga matang napatingin siya sa amin. "Pati raw 'yong family house nila sa Boracay, nasunog. Hindi lang 'yon, lahat raw ng bahay nila sa labas ng bansa, nagiba!"
"What?" Nagugulat na tanong ni Rian.
"Hala." Si Ashly.
"Deserve!" Tumawa sina Paul at Vien.
Nag-scroll pa ng nag-scroll si Heli hanggang sa may balita ulit na nagpagulat sa kaniya.
"Shit, shit, be!" Paulit-ulit siyang napapasinghap habang may tahimik na binabasa sa phone niya. Maya-maya pa isinaboses niya na 'yon. "Ang family raw ni Yumi," Nag-angat siya ng tingin sa amin. "Binawi na raw lahat ng shareholders ng kompanya nila ang mga perang ishinare nila, lahat sila mismo! Tapos 'yong mga resorts nila, may bumili raw lahat pero 'yong perang bayad, may nagnakaw! Bumabagsak na raw ang kompanya nila. Sa tingin raw nila, may kumakalaban sa pamilya nila at hindi nila malaman kung sino 'yon." Napatakip siya ng bibig ngunit kalaunan ay nagsalitang muli. "A-At hindi raw sila makaalis sa kompanya dahil panay ang pagreresign ng mga empleyado nila. Sunod-sunod, walang tigil! 'Yong bahay raw nila sa Seville, pinasabog! Ang family mansion naman raw nila dito sa Manila ay nanakawan pa!"
"Hindi lang 'yon! Nagkaroon rin sila ng eskandalo! May nakapagvideo na empleyado sa kanila habang sinisigawan ang anak nilang si Yumi."
Ipinakita niya sa amin ang video.
"This is all your fault! Kung sana, hindi mo hinayaang makawala si Marcus, makakabangon pa ang kompanya!" Nanggigigil niyang sinabunutan si Yumi na ikinakuyom ng mga palad ko. "Wala kang silbi! Malas ka! Malas!"
"Mommy! Ayoko na!" Pilit niyang pinipigilan ang 'nanay' niya sa pananakit sa kaniya ngunit hindi siya nagtatagumpay. "Kahit magbalikan kami ni Marcus, hindi na tayo makakabangon pa! Bumagsak na rin ang company nila!"
YOU ARE READING
Living For Revenge
Mystery / ThrillerWar. Furious. Death. Live. Revenge. War. Blood. Explosion. Death.