Chapter 7
Lexine's PoV:
"Oh my, G!" Napabuntong-hininga ako nang marinig ang tili ni Rian at Heli. "Nandiyan raw siya kanina!"
Kumunot ang aking noo. "Sino?" Tanong ko.
"'Yong ninja! Oh, my shit, talaga!" Nagtatatalon silang tatlo. "Hindi ko siya nakita, kainis!" May bahid ng pagkabigo ang boses ni Heli.
"Did he leave already? I wanna meet him, too." Ani Paul.
Tahimik lang si Darren sa tabi ko, nakikibasa ulit sa hawak kong libro.
"Umalis na raw siya, ih." Nakangusong sagot ni Ash, halatang malungkot.
"Ay, Ize, where have you been pala kanina?" Lumapit sa akin si Rian. "You left na lang bigla kasi, eh."
Napaamang ako. "I...I went to the restroom." Agap kong sagot.
Nandito kami ngayon sa field, pinagmamasdan ang malaking usok mula sa main building. Hindi pa rin natutupok ang naglalakihang apoy sa loob.
"Niligtas niya raw si ma'am Hermanas kanina." Ani Ash. "Mabuti na lang at dumating siya, kung hindi ay baka natutong na sa loob si miss."
Napatingin sa akin si Darren, nagtagal ang titigan naming 'yon hanggang sa siya ang unang kumalas.
Suspended na ang klase ngayong araw dahil sa nangyaring pagsabog, bukas na lamang raw itutuloy ang lahat ng lessons na naudlot kanina.
Nagbago ang ekspresyon ng aking mukha nang may maalala ako. Humarap ako sa tatlong lalaki na kasama namin.
"Ano ang trabaho ng bumbero?" Seryoso ko silang tinitigan.
Pare-parehong nangunot ang kanilang mga noo bago sabay-sabay na sumagot. "Saving lives...?"
"Didn't you notice anything?" Nagsalubong ang parehong kilay ko sa nakikita kong katangahan nila.
"What do you me-"
"Ma'am Hermanas, saved by a mysterious man or whatever. Obligasyon ng mga bumbero ang pagliligtas, tao man o hayop." Pagpapaliwanag ko, tinitigan ko ss mata ang tatlo. "Bakit hindi sila mismo ang nagligtas kay ma'am Hermanas?"
Nakita ko kung pa'no napangisi si Darren habang ang dalawang kaibigan niya ay nananatili ang pagtataka at kaguluhan sa mukha.
"That's what I thought, too." Aniya, tumatango. "It feels like...they planned all of this."
"What?" Salubong ang kilay na sumingit sa gitna namin si Rian. "Bakit naman nila gagawin 'yon, kung sakali?"
"Uh, kilalang terror teacher si ma'am, 'di ba?" Lumapit si Ash kasama si Heli. "Baka...may gustong gumanti sa kaniya, ganoon."
"Seriously? She's just a terror teacher, what happened earlier is already killing, dude. That's too much for a revenge." Nakangiwing ani Paul.
"I agree, I agree." Sabat ni Vien habang ngumunguya ng kung ano.
Nang magring ang phone ko ay humarap ako sa kanila. "Kailangan ko nang umalis." Paalam ko.
"You're going home now? It's still early." Lumapit sa akin si Darren at nangunot ang kaniyang noo. "You're going somewhere?"
YOU ARE READING
Living For Revenge
Mystery / ThrillerWar. Furious. Death. Live. Revenge. War. Blood. Explosion. Death.