Chapter 5

47 5 7
                                    

Chapter 5

Someone's PoV:

"Hoy, kayo," Lumapit ako at itinutok sa kanila ang aking katana. "Anong ginagawa niyo?"

"At sino ka naman?!"

"Kapag nagtanong ako, 'wag mong sasagutin ng tanong-"

"Wala kaming pake-"

"At kapag nagsasalita ako, 'wag na 'wag niyong puputulin ang sasabihin ko."

Dahan-dahan ang ginawa kong paglapit. Tinitigan ko siya sa kaniyang mga mata.

Ayokong sumabat sa gulong 'to kaso kung hindi ko pipigilan 'to, hindi ako makakadaan dahil lahat sila, nakaharang.

Wala pang mga pulis, paniguradong papunta pa lang ang mga 'yon.

May nag-iitakan kasi rito malapit sa parke. Mayro'n na ngang umiiyak dahil natamaan sa binti.

'Ayan, hindi kasi umiwas.

"Sino ka ba?! Ano? Naligaw ka ba? Bakit naka-costume ka-?!"

"Manahimik ka, naririndi ako sa boses mo. At isa pa, magsepilyo ka, napakabaho ng hininga mo."

"Gaaaago!" Hindi makapaniwalang singhal niya bago itinutok sa akin ang hawak na itak. "Gusto mo na bang mamatay ngayo-"

"Mas maayos kung uunahin kita, eh, 'di wala nang papatay sa akin." Ngumisi ako kahit hindi naman nila nakikita dahil sa tabing na nasa aking mukha.

Initsa ko ang isang kunai sa pader sa likod niya dahilan para matawa siya.

"Eh, duling ka pala, eh." Malakas siyang tumawa.

Ngumisi akong muli bago ibinato sa bibig niya ang isang bato. BoOm, lunok.

Napahiga siya sa sahig habang pilit na inilalabas ang bato mula sa kaniyang lalamunan. Nang mapadapa siya ay 'saka ko siya malakas na sinipa sa batok, naisuka niya ang bato na ngayon ay may kasama nang dugo.

Pa'nong hindi dudugo, eh, patusok 'yong bato?

Hinugot ko ang kunai na kanina'y sadya kong initsa sa pader. Bago ako napabuntong-hininga.

"Akin na 'yang hawak mo."

Dahan-dahan niyang iniabot 'yon. Lumuhod ako sa tabi niya bago ko pinatamaan ang bahagi ng balikat niya, dahilan para mawalan siya ng malay.

Iniwan kong nakatunganga lahat ng taong nakakita roon sa lugar na 'yon.

Ang tatagal ng mga pulis. Huli na nga sa mga pelikula, pati sa libro, nahuhuli pa.

Lexine's PoV:

"Booooosss, sama na ako kasi, pwease?"

"Hindi."

"Pweaaaaassseee?"

"No."

"Wala akong magawa ngayon, ih. Pwease?"

"Enough." I sighed before facing him. "Alam mo kung anong sitwasyon ko, Trex."

Ngumuso siya at padabog ba umalis. Habang nagsasapatos ako ay bigla siyang bumalik.

Maluha-luha niya akong hinarap. "Bakit hindi mo 'ko pinigilan!"

Living For RevengeWhere stories live. Discover now