Chapter 1
Lexine's PoV:
"Hmm," Ibinuga niya ang hangin na sininghap niya kanina, para siyang nakahinga ng maluwag. "Oh, my god talaga, Ize!"
"Tss."
"Ay, ano ba!" Inis niya akong pinalo sa braso. "Magkunwari ka nalang na excited!"
Tuwang-tuwa siyang umakbay sa akin. Kitang-kita na excited siya ng sobra-sobra sa pagpasok rito. Ang laki pa ng ngiti, parang urangutan lang lang na may suot na damit, mukhang gago rin minsan.
"Alam mo, Ize? KJ ka talaga!" Inirapan niya ako. "Tingnan mo naman! Ang laki ng campus, oh! Hindi ka man lang ba matutuwa?!"
Tanginang bibig 'yan, p're. Sarap mong palunukin ng bato.
"Mas malaki lang 'to sa dati nating pinapasukan, Heli. Pareho pa rin silang paaralan." Usal ko habang inaayos ang aking gamit.
"Ay, ewan ko sa 'yo!" 'Saka siya muling ngumiti. Oh, 'di ba? Parang gago. "Basta ako, hahanap ako ng boylets dito! Ahihihi."
"Mag-aral ka kung ayaw mong bumagsak."
"Oo na, oo na! Naku talaga, Ize!" Tiningnan niya ako ng masama. "Mag-promise ka na hindi mo na gagawin ulit 'yong ginawa noon, ha?!"
"Mm."
"Mag-promise ka, 'ka ko!" Kinurot pa 'ko sa tagiliran, pucha.
"Promise."
~
Ayoko rito, kahapon pa 'ko kinukutuban. Ayos na nga lahat sa school namin dati, pinalipat pa kami.
Pagpasok na pagpasok namin ay na kay Heli ang atensyon nila. Hindi ko maitatanggi, bukod sa mayaman si Heli ay may kagandahan rin 'tong dala.
Mabuti nga't nasa kaniya ang atensy-Ah, hindi lang pala sa kaniya. Pati sa akin.
Karamihan sa nadadaanan namin ay tinititigan kami mula ulo hanggang paa. Hitsura palang nila, talagang masasabi mong may kaya, eh. Ang gaganda ng mga suot. Mapuputi at maganda ang kutis kaso mukhang diablo ang mukha.
Judgmental,
"Sa tingin mo, nagagandahan sila sa akin, Ize?" Kumapit sa braso ko si Heli at bumulong. "Nakakahiya, shocks!"
Hindi ko siya sinagot. Nababadtrip ako sa uri ng pagtingin sa akin ng mga estudyante, para silang nandidiri na ewan.
Simple lang naman ang suot ko, eh. Ano lang...v-neck shirt at ripped jeans. Si Heli, todo ayos, naka-off shoulder na dilaw at nakapalda, may make-up pa. Aakalain mong tatakbo sa pageant, dahil sa hitsura niya.
Hindi pamilyar sa amin ang loob ng campus-malamang, dahil baguhan lang kami-kailangan namin ng pagtatanungan.
"Hi, kayo siguro 'yong mga transferees, 'no?"
Maya-maya pa ay may lumapait sa aming babae, sa tingin ko ay kasintanda lang namin.
Tinanguan namin siya. "Rian Belle, nice to meet you!" Pagpapakilala niya bago iniabot sa akin ang kaniyang kamay.
Tumaas ang kilay ko. Anong gagawin ko diyan?
"Ahehe, ako si Heli! Siya si Ize, hehehe. Uh, gutom lang 'yan, hayaan mo na." Si Heli na mismo ang nakipagkamay sa kaharap namin.
YOU ARE READING
Living For Revenge
Mystery / ThrillerWar. Furious. Death. Live. Revenge. War. Blood. Explosion. Death.