Chapter 28

38 4 0
                                    

Chapter 28

Lexine Raize's PoV:

Buong araw kaming nagsanay. Hindi kami kumain dahil lahat kami, ayaw magbaba ng tabing. Gabi na nang makauwi ako. Mabuti na lamang at nasa bahay si Trex at nagluto ng makakain ko.

"Boss, how's your day?"

"Tiring." Sagot ko habang hinuhubad ang suot ko---isip niyo, may ubo.

Ngumiti siya sa akin. "You want a massage?"

"Mm." Pumayag kaagad ako dahil masakit ang katawan ko katuturo sa anim na gago.

Ang hirap nilang turuan. May kaniya-kaniya kaming istilo ng pakikipaglaban. Ipinakita nila sa akin ang bawat istilo nila at malinis naman 'yon at maayos. Pero gusto yata akong pagurin ng mga 'yon dahil mas gusto raw nilang matutunan ang istilo ko.

Calm. Don't attack before the enemy. Fast reflexes. Don't make it bloody when it comes to killing.

Oh, 'di ba? Simple lang 'yong akin, hindi nila maintindihan.

Hindi sila marunong kumalma, masyado silang mayabang at talagang uunahan nila sa pag-atake ang mga kalaban. Mabilis silang kumilos. Sabi ko nga sa kanila, magkakasimbilis lang kami, eh. Pero paulit-ulit nilang iginigiit sa akin na iba raw ang bilis ko. Gusto raw nilang matutunan 'yon. Kapag pumapatay sila, madugo rin. Panay ang saksak nila sa kalaban t'wing malapit. Kawawa naman 'yong scarecrow na ginawang target. Ako, umiitsa lang ng umiitsa hanggang sa makapatay na. Kapag napuno naman ako, talagang gagamit na 'ko ng katana. Doon ako magiging madugo.

Pero ayos lang, si Trex naman naglilinis ng mga gamit ko.

"Boss, birthday mo na bukas," Aniya matapos ang nakabibinging katahimikan.

Muli ay natahimik kami. Ang totoo, eh, nagulat ako na kaarawan ko na naman pala bukas. Ni-hindi ko napansin.

"Oh, talaga?" Walang interes na sambit ko. "Ang bilis, hindi ko napansin."

Nilakasan niya ang paghihilot niya sa balikat ko. "Hindi mo napansin dahil ayaw mong pansinin, Raize." Madiing aniya. "Simula no'ng makilala kita, napansin ko na ayaw na ayaw mo t'wing sasapit ang kaarawan mo. Why is that?"

Napatitig ako sa kawalan. Ayokong sumagot dahil hindi rin naman niya ako maiintindihan. Iba ang takbo ng isip niya, ganoon rin ako. Marami na siyang alam tungkol sa akin pero hindi niya alam ang tungkol sa nangyari bago pa kami nagkakilala.

"Wala namang espesyal sa araw na 'yon, Trex." Sagot ko. "Simpleng araw lang sa isang taon."

"Raize," Umupo siya sa tabi ko. "Isang beses lang sumapit ang birthday sa isang taon. Don't you want to celebrate yours?"

Napatingin ako sa kaniya. "Ayoko." 'Yon lang at pumunta na ako sa kwarto ko.

Pagkatapos kong maligo at magpatuyo ng buhok ay basta-basta ko na lamag ibinagsak ang aking katawan sa kama. Tangina. Pagod na pagod ako ngayong araw.

"White, we have a gift for you but open this after you got home."

Agad akong bumangon nang may maalala. 'Yong regalo nila mismo. Alam kaya nilang kaarawan ko bukas? Nagkibit na lamang ako ng balikat at hinanap ang kahong ibinigay nika sa akin kanina.

Naiwan ko yata sa sala sa baba. Baka nakita na 'yon ni Tre---

"Boss! What's this?" Kunatok-katok pa siya na agad kong pinagbuksan. "I saw this box on the living room, under the coffee table."

Living For RevengeWhere stories live. Discover now