Chapter 19

22 5 1
                                    

Chapter 19

Heli's PoV:

Hay, shet naman, oo! Isang oras na siguro kaming naglilibot rito sa bahay ni Ize, wala pa rin kaming nahahanap na ebidensya para patunayan na siya nga si White!

Hala shet naman! Sayang effort, be!

Nakasimangot akong bumalik sa sala, nandoon na silang lahat maliban kay Ize. Si kuya Trex, kanina pa umuwi.

"Found nothing?" Tanong sa akin ni Darren na sinagot ko naman ng tango. Napabuntong-hininga siya at sinenyasan na akong maupo. "We have to search in her room now."

Nagsitanguan silang lahat, ako, hindi. Paano kami makakapasok sa kwarto no'ng babaeng 'yon? Hays.

Agad akong nag-angat ng tingin nang may maisip na magandang ideya. Shet, ang talino mo, Heli!

"Mag-sleepover tayong lahat dito!" Nakangiting sigaw ko.

Hihihihi, we have to search in her room. Dapat may makuha kaming ebidensya na siya nga si White, dzuh?

Nagkatinginan silang lahat bago muling tumingin sa akin at sabay-sabay na nagsitanguan.

"Isa lang ang guestroom rito sa bahay niya kaya...malamang, doon niya patutulugin ang boys. Kami naman, sa kwarto niya matutulog! I'm so smart!"

"Tama! Tapos, habang tulog si Ize, mag-lilibot tayo sa kwarto niya!" Humagikgik si Ash matapos niyang sabihin 'yon.

Nagthumbs up si Vien at tumango-tango. "Then, lahat ng malalaman niyo ay pag-uusapan natin kinabukasan."

"Great then, it's all settled." Ani Paul.

Magsasalita pa sana ako nang biglang may magsalita.

"Anong pinag-uusapan niyo?"

Shet, nandiyan na si Ize,

Tumingin kaming lahat sa kaniya, maliban kay Darren na tutok sa phone at nagtatype ng kung ano doon.

Ngumiti si Ash kay Ize bago magsalita. "Wala naman, Ize. Bakit pala natagalan ka? Tapos ka na ba sa ginagawa mo doon?"

Tumitig sa kaniya ang walang emosyon nitong mga mata. "Tapos na."

Pagtingin namin sa suot niya ay may napansin kaming punit at medyo mauling ang kaliwang braso niya.

Wut?

Nagkatinginan kaming lahat ngunit hindi muna kami nagtanong tungkol doon dahil baka mahalata ni Ize ang iniisip at paghihinala namin tungkol sa kaniya. Pero paniguradong pare-pareho kami ng iniisip ngayon. Iniisip namin ang dahilan kung bakit may punit sa suot niya at bakit may uling sa braso niya.

"Bakit ganiyan ang mga mukha ninyo? Kung makatingin kayo, eh, parang me' ginawa akong kasalanan sa 'niyo, ah? Tss, umpugin ko ulo niyo, eh."

At 'ayan na naman 'yang boses niya na napakaangas! Parang 'di babae kung magsalita. Hays, Ize talaga! Kadalasan ay kasinlamig ng yelo ang pamamaraan ng pagsasalita at pakikipag-usap, minsan naman ay maangas. Kaya laging napagkakamalang tibo, eh. Hays.

Lexine's PoV:

Tumingin-tingin ako sa paligid bago mabilisang inakyat ang teresa ng aking kwarto. Maingat kong binuksan ang sliding glass door para makapasok.

Napabuntong-hininga ako nang makita ang suot ko, nakaharap na ako ngayon sa salaming kasinlaki ko lamang.

Napangiwi ako at napailing-iling. Hindi naman siguro nila mapapansin ang uling sa suot ko.

Living For RevengeWhere stories live. Discover now